"MAMA!" Tawag ni Olive sa mommy n'ya na kadarating lang sa bahay nila. "Bakit parang gulat na gulat ka naman na nandito na ako?" "Ma, wala ka man lang pasabi sa akin na uuwi ka pala! Nasundo ka man lang sana naging sa airport." "Hindi na surprised 'yun. Kapag sinabi ko sa'yo na uuwi na ako." "Paano ang negosyo mo?" "H'wag mo ng isipin ang negosyo ko. Gus'to ko ay mag enjoy naman muna. Habang nandito ako sa Pilipinas." "Kailan ba ang alis mo?" "Kadarating ko lang. Bakit parang pakiramdam ko ay gus'to mo na akong umalis?" "Mama,.nagtatanong lang ho ako!" Magalang pa din na sagot dito ni Olive. Mas gus'to n'ya kasi ay malayo sa kan'ya ang Ina. Dahil alam n'ya na maaring mangialam na naman ito sa kanila. Mahal n'ya naman ito. Kaya lang ay nasasakal na talaga s'ya sa ugali nito. Noon

