CHAPTER:2

1147 Words
MAYOR ANDREW NAGMAMADALI ako ngayon papunta sa mall. Dahil katatawag lang ng Yaya ng aking anak. Nawawala daw ito. Hindi ko alam kung anong nangyari. "P'wede bang pakibilisan mo pa?" utos ko sa aking driver "Mayor, traffic po kasi,at hindi naman po tayo maaring nakalusot dito ng ganoon lang." sagot nito at lalo akong nakaramdam ng inis. "Bakit ba kasi traffic?" "May nagbanggaan po ata dito sa unahan natin." mahinang sagot nito na halata naman na natatakot ito sa ipinapakita ko ngayon na ugali sa kan'ya. Hindi ko lang mapigilan ang aking sarili na sumigaw. Lalo pa at ang anak ko ang nawawala. Ito ang unang beses na nangyari ito. Kaya naman labis ang kaba at takot na aking nararamdaman ngayon. Matalino na bata ang anak ko. Kahit na hindi ito nakakapagsalita. After na mamatay ang Mom n'ya ay dito din ito naging tahimik na bata. Nakakapagsalita naman s'ya noon. Hindi nga lang mga buong salita. Kaya nga inisip din namin ng aking asawa na si Akhie ay magiging okay din. Dahil talagang hindi ito nagsasalita noong baby pa s'ya. At noong nakakapagsalita naman na ito kahit paano. Pero ng mamatay ang mommy n'ya ay naging ganito na s'ya . Tila parang nagkaroon ito ng trauma at hindi ko na muling narinig pa ang boses nito. Umiiyak naman ito kapag may gus'to s'ya na hindi n'ya nakukuha. Kaya naman naka-ilang kuha na din ako ng Yaya para sa kan'ya. Pero walang nagtatagal. Dahil na din sa mahirap itong patahanin. Kapag nag-umpisa na s'yang magwala ay natatakot na ang mga ito. Dahil bukod sa hindi ito nakakapagsalita ay may hika din ito. Kaya sobrang pag-iingat talaga ang kailangan sa kan'ya. Hanggang sa dumating na nga si Yaya Conching. Ang Yaya ng anak ko na kaya n'yang pasunurin ito. Halos limang buwan na din itong naninibilhan sa akin. At s'ya pa lang ang nag-iisang nakatagal ng ganito kay Akhie. Madalas kasi ay dalawang linggo o hanggang sa isang buwan lang ang itinatagal nila. Siguro nga simula ng mawala ang aking asawa. Dalawang taon na ang nakalipas ay nasa singkwentang Yaya na ata ang na-hired ko na kalaunan ay umaalis din. Nitong mga nakaraan na buwan na lang ako nakakampante na iwan ito sa kan'yang Yaya. Dahil nga nakita ko din naman na talagang alagang-alaga nito ang aking anak. Sa mga nakalipas na buwan ay mas naging malapit pa sila. Kaya nga ng magpaalam si Yaya Conching sa akin kanina na isasama n'ya sa mall si Akhie ay pumayag na din ako. Dahil nga sobrang busy ko din sa aking trabaho. Kaya naman bihira ko na lang din itong mailabas. Lalo na ngayon na malapit na naman ang election. Kung sakaling palarain akong muli na manalo ay ikalawang termino ko na ito. Kung tutuusin ay p'wede ko naman itong iwan. Kaya lang ay masyado na akong napalapit sa taong bayan. Lalo na sa aking mga tagasuporta. Kaya naman parang mas gusto ko na lang na magsilbi pa sa kanila at matapos na din ang mga proyekto. Dahil sigurado akong kapag nanalo si Olivarez sa darating na eleksyon ay nakakatiyak akong masasayang ang ilang taon kong pangangalaga sa aming munting bayan. Kahit pa-unti-unti ay napapaganda ko naman ito. Kaya naman kahit nahihirapan ako sa aking sitwasyon ay hindi ako maaring sumuko. May mga kapartido naman ako na hindi kagaya ng iba na puro pera lamang ang iniisip. "Wala ka bang alam na ibang daan?'. Tanong ko pang muli dito. "Me'ron po Mayor." Sagot nito napapakamot pa sa kan'yang ulo. Agad nitong minani-obra ang kotse. "Kung bakit kasi hindi mo agad ito naisapan kanina?". "Dahil mas malayo ho kasi ang daan dito,kaya lang ay mas matatagalan po tayo kung nag-aabang lang tayo doon. Hanggang sa makaalis. Dahil mukhang malala ang mga tama ng sakay ng nagkarambola." Sagot nito na parang gusto ko nga sana na tingnan ang mga ito,kaya lang ay mas kailangan ako ni Akhie ngayon. Kanina pagtawag ko ay iyak na ito ng iyak. Nasigawan ko pa nga ito sa sobrang taranta ko din sa kan'yang pagkakasabi na nawawala nga si Akhie. "Mayor, huminahon ka nga!" Napatingin ako sa babaeng nasa aking tabi. S'ya ang aking sekreyarya. S'ya ang laging nagre-remind sa akin ng mga kailangan kong gawin at ang aking mga appointment. Kailangan ko na kumuha ng isang kagaya n'ya. Para na din hindi magulo ang schedule ko. S'ya si Venice. Ang babaeng lahat na ata ay nasa kan'ya. Nagmula ito sa may kayang pamilya. At kaya lang naman ito nakakatagal sa kan'yang trabaho sa akin ay dahil na din sa atraksyon ko sa kan'ya. Ayaw ko sana itong patulan. Pero masyado itong malaking tukso sa akin. Kaya naman bilang isang lalaki ay masaya naman ako sa kan'ya. Lalo na pagdating sa kama. Hindi ko nga lang ito magawang ligawan. Dahil sa pakiramdam ko ay parang hindi naman ako sa sigurado sa kan'ya. Nakakalapit naman ito sa aking anak. Pero hindi sila close at noong minsan pa nga ay bigla na lamang na hinila nito ang buhok nito. "Hindi ako maaring maging mahinahon Venice, dahil hindi pa din naghahanap ang aking anak." "Ang ibig ko lang naman sabihin ay h'wag ka naman mas'yadong sumigaw d'yan! Baka mamaya ay matakot pa sa'yo ng lalo itong si Manong Pedring." Paalala pa nito at napatingin naman ako sa aking driver. Naupo na lamang ako at bawat sasakyan na makikita ko ay sinisipat at tinitingnan ko ng maigi. Dahil iniisip ko na baka mamaya ay sumakay sa kanila ang anak ko. Hanggang sa marinig ko ang aking cellphone. Nang mabasa ko ang message ay agad ko na itong tinawagan. "Hello Ya,nasaan ang anak ko? Nakita na ba s'ya?" Sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya. "Sir,nandito na po si Akhie. Kasama ko na po s'ya." Sagot nito at naririnig ko naman sa kabilang linya ang boses ng aking anak na umiyak. "Bakit s'ya umiiyak?"nag-aalalang tanong ko sa kan'ya. Med'yo nawala na din ang kaba ko ngayon na alam kong kasama na ito ng kan'yang Yaya. "Mahabang paliwanag po Sir, ang mabuti pa ho ay bilisan n'yo na lamang po ang pagpunta dito, dahil hindi ko po kinakaya si alhoe. Nagwawala po s'ya sa tuwing hahawakan." "Malapit na kami, bantayan mo na lamang s'ya ng maigi." Ani ko pa dito. Hindi ko alam kung anong problema nito. Dahil huling naging ganito ang anak ko. Noong nakita n'ya ang litrato ng kan'yang Mom na matagal ko ng itinatago. Ibinaba ko ang tawag at lumingon naman ako kay Venice na nakikinig lamang kanina, habang kausap ko ang yaya ng aking anak. "Kumusta si Akhie?" "Okay naman na s'ya, kaya lang ay hindi s'ya tumitigil sa kakaiyak." Saglit ko sa tanong nito. "Baka naman kasi hinahanap ka n'ya? O baka may gus'to lang s'yang ipabili sa'yo?" "Ewan ko,ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makita ko ito." Sabi ko at muli na tumingin na naman ako sa harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD