JAMIE's POV Isang linggo na kaming nandito pa din kami kila Aya. Noong isang gabi ay tumawag lamang si sir Mayor, para kumusrahin ai Akhie. Pero after nitong makita ang bata ay nagmamadali na nitong pinatay ang video call. Ito na naman ako na umaasa sa kan'ya. "Hoy,anong face naman 'yan? Bakit parang Ang lungkot natin?" Tanong ni Aya sa akin. "Wala naman, nami-miss ko lang sila Itay at inay. Nahihiya naman akong magtanong kay Yohan." "Busy din kasi sila. Ewan ko ba at sa tuwing pumupunta s'ya dito ay palagi na lang na nagmamadali ang isang 'yun." "Kaya ayaw ko na abalahin s'ya na puntahan sila Itay." "Di ba sa Guadalupe lang kayo nakatira?" "Oo,kaya lang ang kabilin-bilinan ni Sir mayor sa akin ay h'wag na h'wag ako na uuwi sa amin ." "Sino ba kasi nagsabi na uuwi ka? P'wede na

