Hindi naging komportable si Grasya sa kanyang kinauupuan dahil pakiramdam niya may mga mata na nakamasid sa kanya kaya minabuti niya na tiyakin ito. " Ma'am maari po ba ako mag tungo sa c.r" Magalang na pagpapa alam ni Grasya at pinayagan naman siya ng kanyang guro. Samantala si Ninong Magno hinahanap si Grasya dahil nawala ito sa kanyang paningin. Ilan sandali pa may kumakalabit sa kanyang likuran at naiinis siya dahil na istorbo siya. " Ano ba h'wag ka nga makulit may ginagawa ako" Naiinis na sabi ni Ninong Magno habang naka silip sa bintana ng room nila Grasya. " Ano ba Kasi ang ginagawa niyo diyan? Sino ba sinisilip niyo?" Tanong ni Grasya at sumilip din siya sa bintana. " Kinakamusta ko Kasi yung ina- " Hindi nakapag salita si Ninong Magno nang makita niya kung sino ang tao sa l

