Pumadyak-padyak si Grasya dahil naiinis talaga siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Muli niya kinuha ang diary niya at nag sulat siya ng kanyang nararamdaman. Maya-Maya pa kumatok ang ama niya ay nais siya nito kausapin kaya pinag buksan niya ito ng pintuan. " May sasabihin pa po ba kayo?" Bungad na tanong ni Grasya sa kanyang ama. " Gusto ko ayusin mo ang sarili mo dahil gusto ko maging maayos ang buhay mo upang makabawi sa mga pagkukulang ko Sayo noon." Seryosong pagkakasabi ni Mr Santiago. " Kahit kailan hindi mabubura sa isip ko ang pang aaboso niyo noon sa akin Ina at hindi ako Masaya na ako naging bunga ng kahayupan niyo" Deriktang pahayag ni Grasya. " Alam ko nagkamali ako sa iyong Ina ngunit minahal ko siya ng totoo ang kaso iba ang iniibig niya noon at Yun ang kinikilala

