Third year JS PROM ay nakilala namin ni
Elaiza ang magbalbarkada na sina Jhared
Santiago at James Valencia..
Kapwa sila Dancer at transferee sa aming
university na pinapasukan.
Sobrang kaba ako noon ng kasayaw ko si
Jhared. Nang matapos ang gabing iyon ay
halos hindi ako makatulog.
Hindi ko malimutan ang mukha ni Jhared
na tila ako ay nabighani sa kanyang
malambing na tỉnig at gwapong mukha.
Maging ako man ay nanibago sa aking
sarili gusto kong lagi akong nakaayos at
nagbabaon ng pulbos.na hindi ko naman
dating ginagawa.
Madalas si Jhared sa aming room sa
tuwing recess o kaya naman ay uwian
upang ako ay maihatid o di kaya ay
makasabay kumain ng dahil dito ay
umiwas sa akin si Elaiza.
Kung kayat isang araw ay hindi muna
ako nakisabay kay Jhared at sinabing sila
muna ni James.
Nag usap kami ni Elaiza.
Elaiza: oh hindi mo yata kasama si jhared
mo?
May problema ba tayo Elaiza?.
Elaiza: wala naman. Ano ba naman
ang problema eh madalas hindi na tayo
magkasama at mag usap, saka alam mo
sa tuwing magksama kayo ni Jhared
nasasaktan ako. Ewan ko pero tila iisa
lang ang lalaking gusto natin kaya mas
mabuti kung dito nalang natin tapusin
ang lahat.
Sabi ko naman sa kanya Elaiza alam
mo kaya kong kalimutan ang mga taong
ngayon ko lang nakilala pero ikaw
hinding hindi ,, dahil bestfriend kita.
Handa akong magparaya kung sya
talaga ang mahal mo okey lang na sya
ang mawala sa akin dahil hindi na ako
makakahanap pa ng kaibigan gaya mo at
ako narin ang iiwas kay Jhared.
Mula noon ay umiwas narin ako kahit
kay, Elaiza . Madalas din akong umiyak
tuwing gabi hanggang sa makatulugan ko
na ang pag iyak, subalit ito ay nagbago ng
dahil sa panaginip.
Stay reading I hope you like it thank you readers