”Spinach, string beans, kamatis, taro at okra” sambit niya habang tinitingnan isa-isa ang mga nabili namin.
Ako ang tagadampot. Siya naman ang may hawak ng grocery basket. Konti lang naman ang bibilhin namin kaya hindi na kailangan pang magcart.
“Condiments ba?”
Inalala ko naman ang laman ng kusina namin.
“Meron na”
“Sinigang mix?”
Iyon ang wala pa kaya naglakad ako para hanapin iyon.
Sumunod naman siya pagkatapos ay dumiretso na kami sa meat section.
Kaunting dampot ng mga chichirya bago siya magbayad. Sabi ko nga ay ako na pero umapila na siya.
“Alam kong makapal na talaga ang mukha ko pero huwag mo pasobrahan, ako na ang magbabayad” ngisi niya.
Andami niyang sinabi. Gusto ko sanang umapila dahil alam kong marami siyang pinagkakagastusan. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya iyon. Sa huli ay hinayaan kong siya ang magbayad.
Pagkalabas ay nag-intay ulit kami ng dadaang tricycle. May mga nadaan kaso ay may mga pasahero na.
Tulala lang ako samantalang siya ay nakamasid sa mga nadaang sasakyan.
Ganito siguro kapag gutom na, mapapatahimik ka nalang ng wala sa oras.
Nang hindi nakatiis ay lumapit siya sa nagtitinda ng isaw malapit sa amin pagkatapos ay bumalik din agad sa tabi ko. Inalok niya ako pero tinanggihan ko.
Gusto ko ng umuwi.
May dumating na trike pero may matandang babaeng kasabay namin na nag-iintay kaya pinauna nalang muna namin.
“Ang init” reklamo ng katabi ko at hinipan ang pagkain. Ang dami niyang binili. Ang takaw e.
“Ayaw mo talaga?” umiling ako.
“Kaya ang payat mo e, kumain ka kaya ng kumain para naman magkalaman ka” hindi ko siya pinakinggan.
Hindi ako payat, hindi rin mataba, sakto lang.
Inilapit niya sa’kin ang isang stick ng inihaw na hotdog.
“Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka kumakain dyan” sambit niya.
Tiningnan ko ang hotdog.
Iyan din ang ulam namin kaninang umaga. Hindi ata siya nagsasawa.
“Isusubo mo ‘to tapos ngunguyain para mabusog ka. Huwag mong titigan” Ani niya, akala mo naman ay hindi ko alam kung paano kumain.
Mas lumapit pa ako sa kanya at nahihiyang kinuha iyong betamax. Hawak niya sa kaliwa ang baso kung saan nakalagay ang mga binili niya, may sawsawan narin sa loob. Ang kanang kamay naman niya ang may hawak ng hotdog na inaalok sa akin.
Tindahan ng mga isaw ‘yun pero mas madami pa ang hotdog kumpara isaw na binili niya.
Nagkibit lang siya ng balikat at ngumiti dahil sa ginawa ko.
Ayoko nung hotdog pero nahihiya rin akong sabihin iyon kaya yung betamax ang kinuha ko.
Dapat ba sinabi ko?
Dapat ba nagpaalam ako sa kanya?
Basta ko nalang kinuha yung betamax at hindi manlang nagpasalamat!
E ano ngayon?
We’re friends right?
So it’s fine.
I think.
“Hmmm I love hotdogs!” aniya habang nginunguya ang pagkaing iniaalok niya sa’kin kanina.
Napangiwi ako ng may maimagine.
Nika, utak mo berde!
Nakangiti pa siya habang kumakain. Sarap na sarap sa hotdog.
Tumingin nalang ako sa daan. Kung ano-ano pumapasok sa isip ko. Hindi nakakatuwa.
“Paano kung ayoko?” dinig kong sabi niya kaya napabalik din ang tingin ko. May kausap siyang batang lalaki, tantya ko ay sampung taong gulang na.
“ Sige na Kuya para makakain na ako” anito at ipinagduldulan ang hawak nitong sampaguita.Napakamot siya sa ulo. Nanatili lang naman akong nakatingin sa kanila.
“Magkano ba ‘yan?”
“Sampu isa!” tuwang sabi ng bata. Tumingin siya sa sariling wallet at napanguso. Gusto niyang bilhin pero mukhang sakto nalang ang pera niya. Lumapit ako.
“Ako nalang ang bibili, pwede ba?” tiningnan ko muna siya bago lumingon sa bata. Nakangiting tumango naman ito.
Ang layo ng simbahan. Bakit dito siya nagtitinda?
“Ilan pa ba ‘yan?
“Bente pa po” tumango ako at bumunot ng dalawang daan sa pitaka.
“Bilhin ko na lahat” mas lumaki ang ngiti nito sa akin bago inabot ang mga sampaguita.
“Ate salamat po!” sinuklian ko naman ang ngiti niya.
“Kuya salamat din po”
“Bagay na bagay po kayo!” pahabol pa nito bago tumatakbong umalis.
Tinitigan ko naman ang mga sampaguita. Anong gagawin ko sa mga ito? Masyadong malayo ang simbahan sa apartment ko gayundin sa mga chapel.
“O?” Ani boy tindero nang itapat ko sa kaniya ang mga sampaguita. Nagitla pa siya dahil dun.
Problema niya?
“Baka may alam kang chapel para dito” tumango naman siya.
“Malapit sa bahay meron” aniya at kinuha ang mga bulaklak sa kamay ko.
“Dalhin natin mamaya pagkakain” dugsong niya bago may tumigil na tricycle sa harapan namin. Tumango naman ako.
……..
“Anong lasa?”
Lasang Sinigang
“Okay lang, masarap” para namang nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
Nandito na kami sa apartment, katatapos niya lang magluto kaya nagsisimula palang kaming kumain. Siya ang nagpresinta pagkadating palang namin kaya wala akong ibang ginawa kundi panoorin siya. Wala rin naman akong dapat basahin dahil katatapos pa lang nga ng midterm.
“Dimaano laro tayo” aniya habang sumasandok ng kanin.
Laro?
Ano siya bata? Nasa harapan kami ng pagkain puro siya kalokohan. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula ng kumain.
“Di-ma-a-no”
“Di-ma-a-no”
“Di-ma-a-no”
Ang kulit.
“Ano?” ngumiti naman siya ng tagumpay.
Kita ang ngidngid amp.
“Laro tayo” pag-ulit niya at itinapat pa sa akin ang kutsara niya.
Para siyang bata.
Baby damulag.
Hindi ko ulit siya pinansin pero hindi niya talaga inalis ang kutsara sa harapan ko.
Sampung segundo.
Isang minuto.
Lima.
Ano? Hindi niya talaga aalisin?
Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako.
Hays
“Anong laro?”
Hindi ba pwedeng kumain muna?
Akala ko ba’y nagugutom na siya?
“Kilala mo ako, kilala kita game” aniya at itinapat sa kanya ang kutsara.
Wala namang ganung laro.
Nag-iimbento nanaman siya.
Nang hindi ako magsalita ay inilahad niya sa’kin ang rules at mechanics daw ng game niya na malamang ay impromptu lang.
Simple lang naman yung game, kada tatlong subo ay may karapatan kaming tanungin ang bawat isa na kailangan naman naming sagutin ng totoo. Kapag ayaw naming sagutin ay kakailanganing kainin namin ang isa sa mga siling pula na hinaluan niya ng patis kanina para gawin sanang sawsawan. Sa huli, kung sino ang mas konti ang nakaing sili ang siyang panalo.
So ibig sabihin, mas maraming subo, mas maraming chance na magtanong.
“Lugi naman ata ako dyan” reklamo ko sa kanya.
Kailangang malakas ka kumain para ikaw nalang yung tanong ng tanong. Di hamak naman na mas malakas siyang kumain kumpara sa akin.
“Hindi ka na lugi dun oy”
“Ang gwapong si Aled lang naman ang kalaro mo ngayon. Alam mo bang maraming babae ang naghahangad na makalaban ako sa game na ito? Ang swerte mo nga e”
Ang hangin.
E alam ko namang gawa-gawa lang yung game niya.