Kabanata 14

994 Words
"Ang gago ano? Mag-aaya tapos mahina naman pala uminom" tukoy ni boy tindero kay Bryant.  Pinagpasyahan kasi naming iuwi muna si Bryant sa bahay nila boy tindero. Sabi pa niya'y mas malapit ang bahay nila mula sa bar kumpara kila Bryant kaya sa kanila nalang muna. Isa pa'y mahirap mag-uwi ng lasing, lalo na ng tulog na lasing gayong wala naman kaming dalang sariling sasakyan. Napangiti naman ako. Ang ewan ni Bryant e. "Ang layo nitong bahay niyo sa apartment ko" simple kong sabi habang nagtitingin sa paligid. Gusto ko kasing malaman kung bakit pa siya sumasabay sa akin sa pag-uwi gayong ang kayo naman pala ng bahay nila.  Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya dahil dito nga namin dinala si Bryant na ngayon ay natutulog sa malapit na higaan. Simple lang ang kwarto niya. May mangilan-ngilan ding design ng mga buildings at artworks na nakadikit sa pader.  "Yung pinupuntahan ko dun malapit sa apartment mo para yun sa ibang raket ko ulit" sagot niya habang dinadampot ang mga nakakalat niyang gamit. Tumango ako.  Kaya pala.  Hindi naman madumi ang kwarto niya, may iilan nga lang kalat pero malinis parin naman tingnan. Lumapit ako sa isang painting. Sinusog ng tingin mula taas hanggang baba ang obra. Sa canvass ay nakapinta ang tabing dagat na may banayad na mga alon maliwanag pero nagbabadya ang kalangitan ng malakas na pag-ulan.  Ang ganda.  "ARF" basa ko sa nakasulat sa bandang baba nito. "Initial ko" sagot niya sa'kin. Nakatingin narin sa tinitingnan ko. "Iyan ang una kong ipininta kaya importante 'yan" dugsong pa niya. Ang galing naman niya. Kaya kong magdrawing pero ibang usapan na kapag painting.  Matalino, masipag, magaling magpaint at mabait itong si boy tindero. Napatingin ako sa kanya. Ano kayang flaws ng isang ito? "Huwag mo naman ipahalatang gwapong gwapo ka sa'kin Dimaano" Ani niya nang mapansin ang pagtitig ko. Gwapo?  Matangkad siya, moreno, hindi gaanong makapal na kilay, matangos na ilong, labing mamula-mula at palagi ring lumalabas ang biloy niya sa magkabilang pisngi sa tuwing ngumingiti. Hindi naman siya gwapo. Sakto lang.  Binalot kami ng katahimikan matapos kong bawiin ang tingin sa kaniya. Pero alam mo mas maganda ka kapag nakangiti Napapikit ako ng maalala ulit yun. Panigurado nabingi lang ako nun e. Isa pa'y bakit ko ba naiisip iyon? Hindi naman iyon ganun kaimportante, karaniwang wala akong pakealam sa sinasabi ng iba kaya bakit ko iyon papansinin?  Kasi matapos yun ay napansin kong umiiwas siya sa'kin? Kasi palagi niyang pinapalusot ang mga paninda niya kapag kasama nila ako?  Oo nga't kasabay ko parin siya sa pag-uwi pero tahimik na siya hindi gaya ng dati. Kapag kasama lang namin sila Miles ay tsaka siya nag-iingay pero kapag kaming dalawa nalang ay sobrang tahimik niya. Ngayon lang kami nakapag-usap ulit ng maayos. Kung maayos nga iyong matatawag.  Tumingin ulit ako sa paligid ng kwarto niya, pero ang totoo'y tinitingnan ko siya, sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita kong pinagmamasdan niya ako habang nagpapanggap akong inililibot ang paningin sa kwarto niya. Marahil ay OA lang talaga ako.  Lahat nalang binigyan ko ng kahulugan e. Hindi siya umiiwas, busy lang talaga siya o di kaya ay maraming iniisip.  Tinalikuran ko siya at lumapit sa pwesto ni Bryant.  Wala na, bagsak na bagsak 'tong isang' to. Humihilik pa nga. Ano kayang problema ng isang 'to?  "Dimaano" Ani boy tindero, nilingon ko naman siya.  "Bakit?" Ano?  Mukhang may sasabihin siya pero hindi niya maituloy. Kumamot siya sa batok at umiwas ng tingin.  "Wala, tara na sa kusina panigurado kakain na"  Naguguluhan man ay tinanguan ko nalang siya. Saktong paglabas namin sa pinto ng kwarto niya ay may batang babae. Ngingitian ko palang sana pero agad na itong tumakbo at nagtago sa likod ni boy tindero. Natawa kami dahil dun.  "Kuya kain na po sabi Lola po" Ani nito pero sa akin nakatingin. Hawig siya ni boy tindero pero girl version. Naiiba lang sa kulay ng balat at buhok. Moreno si boy tindero, maikli man ang buhok ay kitang kita naman na bagsak ito samantalang mestisang may mahabang kulot na buhok naman ang batang nasa likod niya. Kitang kita ko rin ang natural na pamumula ng pisngi nito.  Ang cute e. Umupo ako para magkasing taas na kami.  Sa tantya ko ay 7 yrs. old na siya at kapatid siya ni boy tindero.  "Hi" bati ko pero mas nagtago siya sa likuran ng kuya niya.  Mukhang kung anong kinapal ng mukha ni boy tindero ay siya namang katumbas ng pagiging mahiyain ng kapatid niya. Mas lumapit ako at inilahad ang kamay.  "Ako si Ate Nika kaibigan ako ng kuya mo, ikaw anong pangalan mo?"  Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung tatanggapin ba ang kamay ko o hindi. Tumingin muna siya kay boy tindero at parang humihingi ng permiso. Nakangiti naman siyang tinanguan ng kuya niya.  "Allen po" nahihiya niya paring sabi pero at least tinanggap yung kamay ko  diba?  "Ang ganda mo naman Allen" puri ko sa kaniya matapos tanggapin ang kamay niya. Namula naman siya at nagtago ulit sa likod ng kuya niya.  Ang cute talaga.  "Kayo rin po maganda"  Hindi ko alam kung ako ang sinasabihan niya nun o ibinubulong niya lang.  Tumayo na ako at nginitian si boy tindero.  "Uuwi na ako, ikaw na bahala kay Bryant"  "Kumain ka muna tsaka kita ihahatid" apila niya.  Tumango lang ako kanina pero wala akong plano makikikain.  Nakakahiya naman masyado. Nagdala na nga kami ng lasing dito pagkatapos ay makikikain pa ako.  "Hindi na, busog pa naman ako. Isa pa'y kaya ko namang umuwi mag-isa"  "Gabi na, masyadong delikado maraming nagkalat na m******s sa daan. Isang sakay lang naman ng jeep ang apartment mo kaya ihahatid na kita pero bago yun ay kumain muna tayo. Alam kong gutom ka narin huwag mo ng itanggi" Tama naman siya pero nakakahiya.  Aaminin ko nagugutom narin ako e. Hindi sapat yung mga pulutan kanina para mapawi ang gutom ko pero hindi ko iyon aaminin sa kaniya.  Kasalanan ni Bryant 'to e. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD