“Sigurado ka talaga dito? “
“Dimaano wala itong pilitan”
“Pwede ka namang tumanggi kung gusto mo”
“Sure na sure na a?”
“Hindi ka naman napipilitan ano?”
Maya’t maya niyang usal. Magmula ng pumayag ako, sumakay sa jeep at ngayong naglalakad na ay ganiyan parin ang sinasabi niya. Naipaliwanag ko narin naman na may bibilhin din ako kaya ako sumama pero mukhang hindi niya manlang pinapansin iyon.
Sa may 7/11 ang usapang meet up nila. Nagkataong katapat lang ng isang kilalang bookstore kaya’t humiwalay muna ako sa kanya. Noong una nga ay ayaw niya pang pumayag, akala mo’y sobrang layo ng pupuntahan ko pero nang sabihin ko na baka kanina pa naghihintay ang customer niya kasabay ng pagtunog ng cellphone niya, indikasyon na may nagtext ay pumayag din naman.
Saglit lang iyong pagbili ko dahil dumiretso na ako sa counter, nandun mismo ang bibilhin ko kaya mabilis akong natapos at nagpunta agad sa 7/11 at naabutan si boy tindero na pinalilibutan ng dalawang bakla at isang babae na mukhang mas matanda sa amin.
“Gawin kong sampung libo sumama ka lang”
Napataas ang kilay ko nang marinig iyon sa matandang babae.
“10K na ‘yan tatanggi ka parin?” nakita ko pa ang paghaplos nito sa braso ni boy tindero. Sa tingin ko ay mas gusto nila ang kaibigan ko kesa ang mga chicken wings na dala niya.
Kaibigan?
Oo kaibigan.
“Sumama ka na, isang gabi lang yun o. Don’t worry sisiguraduhin naming mag-eenjoy ka” Ani ng isa sa mga bakla at hinawakan ang hita niya. Nakita ko naman ang paglayo niya pero mas lalong lumapit ang isa pang bakla sa tabi niya, ipinagsisiksikan ang sarili.
“Woy” nang hindi nakatiis ay lumapit na ako kaya napatingin silang apat sa akin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pangmamata ng tatlo. Ang isa ay tumaas pa ang kilay samantalang ang isa ay umirap. Nanatili naman ang tingin sa akin ng matandang babae.
Tusukin ko kaya mga mata nito?
Tiningnan ko ang eco bag na nakapatong na hawak parin ni boy tindero.
“Sila ba yung umorder?” tumango naman si boy tindero kaya kinuha ko ang eco bag sa kanya at inabot ito sa isa sa mga bakla.
“Alam niyo naman siguro kung magkano ito, pakiabot na nung bayad”
“We’re not talking to you Miss. Sa kanya kami umorder at hindi sayo kaya siya dapat mag-aabot” sagot nung isang nasa likuran ng kaharap ko.
“I’m not talking to you too, I’m talking to him” sagot ko pabalik at itinuro ang baklang nasa harapan ko. Mukha namang napahiya ito sa pagsagot ko at inilayo rin ang tingin sa akin.
I hate conflicts pero ano itong ginagawa ko? TANGJUICE.
At ang mga tao dito bakit parang ako lang ang nakakakita sa ginagawa nitong tatlong ‘to? Obvious naman diba? s****l harassment yun! Napatingin ako kay boy tindero, mukhang natulala sa nangyayari.
“O!” padabog na abot nung babae sabay alis. Sumunod din naman yung dalawa na akala mo ay ako pa ang may atraso sa kanila.
Naiinis ako.
“Hindi mo pala talaga maibabase sa edad o kasarian kung sino ang karespe-respeto ano?” ani boy tindero nang makabawi. Tinitigan ko siya, nginitian niya naman ako ng pilit. Napabuntong hininga ako at dumiretso sa may cashier.
Gusto ko ng ice cream.
“Ako na, ate dalawa na po” sumunod pala siya sa’kin. Hindi naman na ako nakipagtalo at bumalik nalang sa inuupuan niya kanina. Medyo matagal ko narin siyang nakakasama at masasabi kong handa siyang makipagtalo ng wagas para lang mapilit ang gusto niya, minsan ay nananalo ako sa kanya pero ngayon ay wala akong lakas para makipagtalo. Inubos ng tatlong iyon ang lakas ko.
Wala pang dalawang minuto ay nasa harapan ko na siya at nakangiting iniaabot sa akin ang ice cream. Aakalain mong hindi naharass.
“Solid Dimaano nakita ko yung pag-irap mo kanina a! First time yun, patingin nga ulit!” aniya at sinimulang paikutin ang mata habang dinidilaan ang sariling ice cream.
“Wala akong natatandaang umirap ako” tanggi ko na agad niyang tinawanan.
Wala naman talaga. Imbento rin ‘tong isang ‘to e. Kung meron man, wala akong natatandaan, marahil ay hindi ko na iyon napansin sa sobrang inis. At hindi ko aaminin yun sa kanya.
“I’m not talking to you too, I’m talking to him” panggagaya pa niya.
Siraulo.
Nang matapos ay dumiretso na kami at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Pwede naman kaming maghintay nalang ng dadaan pero trip niya raw maglakad tsaka para raw sureball na tabi kami baka raw kasi amoy kili-kili ang makatabi niya. Lakas ng trip e.
Lihim akong napangiti nang iginiya niya ako sa kanang tabi at siya ang pumwesto sa kaliwa kung saan malapit sa mga dumadaang sasakyan.
“Aray!”
“Sorry, hindi ko sinasadya” agad kong hingi ng paumanhin sabay alalay sa kanya sa pagtayo.
Bigla ba naman kasing kumapit sa braso ko, naitulak ko tuloy. Buti hindi masyadong napalakas. May ilan ding nakakita, nakakahiya.
“Alam mo Dimaano nakakapansin na ako a! Sa tuwing didikit ako sayo palagi mo akong tinutulak.” Reklamo niya habang pinapagpagan ang sariling uniporme. Nagdaradam.
Napaiwas naman ako ng tingin.
Hindi ko nga sinasadya, tss.
“Sabihin mo nga, nandidiri ka ba sa’kin?” napabalik ako ng tingin sa kanya.
Ba’t naman ako mandidiri? Maarte ba ako sa paningin niya?
Teka ano bang pake ko?
“Ehem naghihintay po ako ng sagot” dinig kong reklamo niya.
“Hindi a, nabigla lang ako” napangisi naman siya at pinagtaasan ako ng kilay.
“Bakit? May sparks ba?”
Sparks? Kuryente ba siya? Lol.
Imbis na pansinin ay nagpatuloy nalang ako ng lakad kaso humarang siya sa harapan ko.
Ano nanaman?
“Ayan a, para hindi ka na mabigla” aniya ng dahan dahan siyang kumalabit sa braso ko na parang unggoy.
Masyadong clingy.
Kelan pa kami naging ganito kaclose sa isa’t isa? Di ako updated.
“Mommy buy mo po akong cotton candy, ayun oh!” pagbebaby talk pa niya.
Hindi na nahiya. May mangilan-ngilan tuloy ang napapatingin.
Hanggang sa makarating kami sa sakayan ay ganun ang ginagawa niya.
“Mommy gusto kong balloons”
“Mommy I want candy”
“Mommy bili mo ko balil balilan”
Ang sakit niya sa ulo.