CHAPTER THIRTEEN

2816 Words

Hindi sumagot si Cara. Tahimik lang niyang kinuha sa bag ang check book at nagsulat. Lihim siyang napaungol ng mapansing nanginginig ang kamay niya. Alam niyang dahil iyon sa tindi ng tensyong bumabalot sa kanila ni Judah. Gayunman, kinalma niya ang sarili. Hindi niya pinakitang apektado pa rin siya rito. Matapos isulat ni Cara ang tamang halaga sa check book ay pinilas na niya iyon saka inilapag sa glass table ni Judah. "I came here to give this to you." Saglit lang tinapunan ng tingin iyon ni Judah hanggang sa muli siyang tiningnan. Napalunok si Cara ng tumiim ang titig ni Judah at pasimple siyang hinagod ng tingin. Lalong hindi napakali ang puso ni Cara nang makitaan nang paghanga ang mga mata nito na nahahaluan ng init. Halatadong hindi nagbago ang paraan nang pagtitig nito sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD