Chapter 64 Skyleigh’s POV “Are you sure you want to go to school sweetie?” Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na tinanong ni Cloud si Claudi mula kanina pa. Hanggang ngayon na nasa harap na kami ng bahay at inaantay na ng school bus ang anak namin ay hindi pa rin mapakali si Cloud. “Daddy! You are so kulit. I want to go to school po so stop asking me na please…” Natawa ko dahil nag-umpisa ng magpaka-conyo ang anak namin habang si Cloud naman ay napangiti na rin. “Fine. But if someone bothers you at the school, you call Daddy okay?” Ngumiti naman si Claudi at winagayway pa ang cellphone niya na binigay ni Cloud. “Hey, don’t use it pag nagtuturo si Teacher ah?” Pagpapaalala ko. Ngumiti ito at tumango sa akin. “Yes, Mommy. Take care of Klode, I hope gumaling po siya kaagad para

