Sa lahat ng nakaabot sa chapter na ito. Maraming-maraming salamat po. Nawa'y nagustuhan niyo ang pagiging martir at bulag sa pag-ibig ni Ulap at Langit chos. Epilogue Hindi ko maialis ang paningin ko sa harap ng salamin. Hindi ko inaakalang darating pa sa akin ang araw na ito sa dami ng mga pagsubok na pinagdaanan namin. Pinasadahan ko ng tingin ang suot-suot kong wedding dress. Napahawak ako sa umbok ng tiyan ko at marahang hinaplos ito. I will be walking to the aisle with a baby bump and I am happy about it. "This is the day, baby." Pagkausap ko rito at natawa ako ng maramdaman ang tila pagsipa sa sinapupunan ko. Mukhang masaya din ang magiging baby namin ni Cloud ngayong araw na ito. "You look so beautiful Mommy." Napalingon ako sa pintuan at nakita ang anak ko kasa-kasama an

