Chapter 60 Skyleigh's POV "Kailan pa po ang naging relasyon niyo kay Ms. Charlotte?" "May katotohanan po ba ang sinasabi ng dating CEO na si Mr. Lance?" "Ms. Skyleigh, ano pong masasabi niyo sa ginawang pagtataksil ng asawa niyo sa inyo?" "Matutuloy pa rin po ba ang muli ninyong pagpapakasal?" Magulo. Maingay. Nakakasilaw na kislap ng mga kamera ang sumalubong sa amin pagkalabas na pagkalabas namin sa hotel. Ang totoo gusto kong sigawan ang mga reporter na walang habas magbigay ng mga mabibigat na tanong sa amin gayong nakikita naman nila na kasama namin ang mga anak namin. Si Claudi na nakatulog na sa bisig ni Papa na umiiyak. Si Klode na hindi man umiiyak katulad kanina ay bakas ang galit at pait sa mga mata. Ni ayaw niyang dumikit kay Cloud at pirmeng nakakapit sa akin. At si

