Chapter 42 August 10, 200* Magandang gabi sa inyong lahat, nawa'y mag-ingat ang lahat sa malakas na hagupit ni Bagyong Sendong. Mangyari'y manatili na lamang po tayo sa ating mga tahanan- Muntik na akong mapasigaw ng biglang namatay ang radyo kasabay nito ang pagdilim ng buong bahay. Sumilip ako sa bintana at sumalubong sa akin ang madilim na kapaligiran dulot ng pagkawala ng kuryente. Malakas ang ulan kaya marahil ay baha na rin. Napahawak naman ako sa tiyan kong malaki na. Kabuwanan ko na at sana naman ay palipasin muna ang bagyo bago ko manganak. Kinakabahan ako dahil sa mag-isa lang ako dito sa bahay at wala akong makakatulong. Sana kasi nakinig ka sa doktor na magpa-admit na sa ospital Sky! Kung hindi lang ako nagtitipid sa gastos, nagpa-admit na talaga ako at malay ko ba na mag

