Chapter 47 "Ayokoooooooo... Dito ka lang Daddy! Don't leave...waaaaaaaah--" Nagmamadali kong tinapos ang pagsesepilyo ng marinig ko ang pagwawala ni Claudi sa baba. Napatigil ako sa huling baitang ng hagdan ng makita kong nakayakap si Claudi habang umiiyak kay Cloud. Hinanap ko si Klode at nakitang nasa isang tabi lang ito at blanko ang mukha na nakatingin sa dalawa. But I know my son better, hindi man siya umiiyak katulad ni Claudi, sa mata pa lang niya nakikita kong ayaw niya ring umalis si Cloud. I sighed heavily, simpleng pagpapaalam pa nga lang ni Cloud--ayaw na ng dalawa. Paano pa pag nalaman ng mga ito na hindi kami panghabang-buhay magsasama ng ama nila? That we can never be a complete happy family? "Claudi, babalik din si Daddy bukas, so stop crying---" "No! Stay here na lang

