*Christine POV* "Handa na kayo?" Tanong sa amin ni Mr Daniels. Hind kami sumagot sa kanya at nanatili lang sa kinauupuan namin. Habang abala naman ang ibang Warriors sa paghahanda sa pagbubukas ng portal ngayon gabi. Iniwas ko ang tingin ko kay Mr Daniels at nagkunwaring Curious sa mga Warriors na makakasama namin. Nasa Cafeteria kami ng House namin at tanging kami at ang ilang Warriors lang ang nandito ngayong gabi. Ilang oras nalang din at maghahating gabi na. Ang hudyat ng simula ng Winter Solstice at ang hinihintay naming oras ng pagbubukas ng portal. Ilang araw din naming hinintay ang araw na to. Dahil ito lang ang oras na makakalabas ulit kami sa House namin. Naikuyom ko ang kamay ko ng makaramdam ng pamilyar na galit sa dibdib ko. Galit na para sa mga taong nakapaligid sa amin

