*Sean's POV* "Handa ka na?" Tanong ni Kaeden sa akin. Nakatayo siya sa gilid ko habang pareho naming pinapanood ang paghahanda ng mga Aether User sa pagbubukas ng portal papuntang Shadow Realm. "Ikaw? Handa ka na ba? " ganting tanong ko sa kanya ng hindi sinasagot ang tanong niya. Ni hindi rin ako bumaling sa kanya at itinuon lang sa mga Warriors na makakasama namin ang mga mata ko. Hindi rin siya sumagot pero kahit ganun, alam ko na rin ang sagot niya sa tanong ko. Pareho lang kasi kami ng sitwasyon. At pareho lang din kaming handang gawin ang lahat maibalik lang ang nawala sa amin. "Pasensya na kung sasabihin ko sayo to. Pero.... Naiinis talaga ako sa Uncle mo." Basag ko sa katahimikang namamagitan sa amin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ng umismid siya. Pagkatapos ay namulsa siya

