*Jared's POV* Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Christine habang nakikipagusap siya sa mga kaibigan niya. Katabi ko sila Kaeden at Marvin habang hinihintay na matapos magmeeting ang mga babae. Katatapos lang din naming makalabas ng Administrator's building at nagpasintabi muna sila Sallie na kakausapin sila Joie bago umalis. Pumayag naman kami at hinayaan silang makapagusap ilang metro ang layo mula sa amin. Mukhang kung ano man ang pinaguusapan nila, halatang ayaw nilang iparinig yun sa amin. Di ko rin mapigilang makaramdam ng konting inis. Lalo na sa isiping may itinatago sila mula sa amin nila Kaeden. Kahit sila Sean at Yael na nasa kabilang gilid ng pathway parang curious din sa pinaguusapan ng mga babae. "Hinay-hinay Jared. Baka naman matunaw si Christine nyan." Narinig kong

