I WANT to be your daddy. Mas low maintenance ako kaysa sa boyfriend mo na kompanya mo ang hanap. Latest iPhone lang sapat na. You can keep me as a secret. Muntik nang masuka si Nadine nang mabasa ang comment sa picture nila ni Miller sa i********: account niya. Hindi naman niya kilala ang lalaki pero pang-doseng comment na iyon sa araw pa lang na iyon kahit na alas nuwebe pa lang ng umaga. “Unggoy! Itsura mo naman di ka naman yummy. Block!” At nagdesisyon na siya na I-off ang comment at I-private ang account. Ilang araw na mula nang sumabog ang isyu na high class gigolo niya si Miller kapalit ng presidency ng East Star Holdings, tantiya niya ay may kulang isang libo na siyang indencent proposal mula sa authentic gigolos, feeling guwapo at nagti-trip lang. Herederang mukhang lalaki ang t

