“ANO? Sinabi mo na di mo lalagyan mo ng gayuma ang ipapakain niya? Baliw ka talaga.” Nakatirik ang mga matang sabi ni Tessa habang nag-I-inventory ng mga stocks nila sa shop. “Bad shot ka pa nga sa kanya dahil sa palpak mong date kay Christian Compostella, humirit ka pa ulit.” “Kasi masyado siyang seryoso. Joke lang naman iyon. Pati ba iyon seseryosohin niya? Mukha ba akong desperada sa kanya?” “Oo. At saka kahit sino namang lalaki matatakot sa iyo. Tapos sinabihan mo pang gagayumahin mo. Kahit naman ako didistansiya sa iyo.” Itinapik niya ang ballpen sa record book nila. “Huwag ka namang ganyan. Alam mo naman na puro pagmamahal lang ang handa kong ibigay kay Miller.” “Malay naman niya kung babaliin mo ang buto niya.” “Tulungan mo na lang ako kung paano siya aakitin. Sige na,” ungot n

