“Gondo!” puri ng kaibigang si Tessa kay Nadine matapos siyang ayusan. “Sabi ko sa iyo di siya makakatanggi kapag nakita ka niya.”
Kumurap-kurap siya habang pinagmamasdan ang sarili sa vanity mirror. Ang kaibigan mismo ang nag-ayos sa kanya. In-emphasize lang nito ang mga mata niya sa pamamagitan ng eyeliner at mascara. Naka-loose braid ang buhok niya at nilagyan nito ng headband na may rhinestones.
“Parang di ako makahinga dito sa suot ko,” sabi niya at kinalas ang satin ribbon na nakatali sa leeg niya. Balot na balot naman kasi siya sa black Peter Pan collared dress na pinarisan ng Aztec-printed skirt na hanggang ibabaw ng tuhod at white strappy sandals.
Muling itinali ng kaibigan ang ribbon. “Uso iyan ngayon. Mukha kang Koreana. Saka siguro naman papayag na siyang makipag-date sa iyo dahil aalayan mo siya ng paella. Career na career mo ‘yung paella recipe ng nanay niya sa tulong ni Manang Estella,” tukoy ng kaibigan sa cook nila sa mansion.
Pasimple niyang hinatak ang buhok ng kaibigan. “Naghiwa naman ako ng gulay at karne. I am good with knife, you know.”
“Oo. Pero pagdating sa pagluluto mismo, waley ka talaga. Ilang beses mo na bang pinabula ang bibig ko sa attempt mong magluto? The best way to a man’s heart is through his stomach. Bagsak ka diyan.”
“Sinusubukan ko naman.” Di naman kaila sa kanya na isa nang nag-culinary school ang ex-girlfriend ni Miller. Bukod doon ay isa ring model. Nakipag-break ang babae dito dahil pinili nitong sa Paris na magtrabaho at bumalik naman ng Pilipinas si Miller para mamahala sa negosyo. “Hindi ako kasing galing magluto ng ex-girlfriend niya pero nandiyan naman si Manang Andeng.”
“E di si Manang na lang ang pakasalan ni Miller ‘no?”
“Mas bata at sariwa naman ako kay Manang saka kasal na siya. Iyon ang advantage ko.” Saka di na uso ‘yung pakakasalan ka dahil marunong magluto. Nanliligaw lang siya ngayon kay Miller kaya nag-e-effort siya. Nilagyan niya ng lipgloss ang labi. “Pwede na ito.”
Air cushion at powder lang ang inilagay niya sa mukha dahil mas bagay daw sa kanya ang natural look. Pareng kape na nilagyan ng creamer ang kulay ng balat niya. Filipina beauty. Ilan na ang nanligaw sa kanya pero basted lang ang mga ito dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa isang lalaki - kay Miller.
He was twenty-two when he left for US. Nag-take up ito ng Masters in Business sa Wharton School of Business. Isang taon na ang nakakaraan mula nang bumalik ito sa Pilipinas at tumulong sa pamamahala sa investment company ng ama niya. Teenager pa lang siya, alam niyang malayo na ang mararating ng binata. Usap-usapan na rin na ito ang ginu-groom ng ama niya bilang susunod na CEO ng kompanya kapag nag-retiro ito. And with money and good looks, women flocked him. Pero di pa niya nababalitaang nakikipag-date ito. Busy ito sa trabaho. Kung may idine-date man ito nang sekreto, hindi niya alam. Pero ibig sabihin niyon ay matindi itong hokage dahil may mga matang nakamasid dito at nagre-report sa kanya.
Ilang beses na niyang niyayang lumabas ang binata - maging escort sa parties at events, magkape, pati mag-gym pero lagi itong umiiwas. He had his own gym and pool at home and he’d rather go to parties alone. Ang hirap nitong siluin. Walang epekto dito ang charm niya. Samantalang kapag ibang lalaki gustong-gusto siyang I-date kahit dine-deadma niya.
Oras na para ipakita niya dito na hindi na siya ang batang nakilala nito noon na galing sa squatters. She was not sophisticated and confident. Wala siyang balak na sukuan ito. Nagsisimula pa lang siya.
Ipinahatid niya sa family driver na si Mang Andong ang kaibigan at nag-drive naman siya ng sariling sasakyan papunta sa East Star Holdings. He was the Head of Acquisition. Ito ang bumibili ng properties na rare at mataas ang value para maipang-barter sa mga ka-deal ng kompanya. Tiniyak sa kanya ng sekretarya ni Miller na wala itong ibang appointment buong umaga hanggang lunchtime.
Eleven-thirty nang dumating siya sa opisina. “Nandiyan pa ba siya?” tanong niya sa personal assistant ni Miller na si Ruizmae.
“May nire-review lang na report si Sir. Pumasok ka na lang, Miss.”
Inilapag niya ang purple box sa ibabaw ng mesa nito. “For you.”
Nanlaki ang mata nito nang silipin ang laman ng kahon. It was an organic beauty set she inquired on her website. “Thanks. Basta wala ako dito nang dumating ka. Okay? Pupunta lang ako sa pantry sandali para sa coffee,” sabi nito at umalis ng desk matapos I-secure sa drawer ang regalo-s***h-suhol niya dito.
Kinatok niya ang pinto ng private office ni Miller nang makaalis na si Ruizmae. “Come in!” narinig niyang sabi ng binata.
Marahan niyang binuksan ang pinto at isinilip ang ulo. “Hi!”
Inangat nito ang tingin sa hawak na tablet. Inalis nito ang reading glasses at nagsalubong ang kilay nang makita siya. “What are you doing here?”
“I decided to join you for lunch. Balita ko kasi ilang araw ka nang laging dito lang sa office kumakain ng lunch at puro trabaho.”
Mukhang malinis at very minimalistic ang interior ng opisina nito. Puti ang dingding, black and white din ang picture ng Batanes na nakasabit sa dingding, black na marmol ang sahig at nakikiterno din si Miller sa white long sleeve polo na suot nito habang nakasabit sa standing hook ang black suit nito. Ang tanging kulay lang yata ay ang view ng mga gusali at asul na langit na natatanaw sa wide window ng opisina nito.
“It is not even time for lunch,” angal ng lalaki. “Bakit di sinabi ni Ruizmae na nandito ka at bakit basta ka na lang niyang pinapasok?”
“Wala siya sa desk nang dumating ako.”
“At kailangan kong magtrabaho. Some of us are not exactly a princess like you, my dear. We don’t have people who will do the work for us.”
Muntik nang tumaas hanggang bumbunan ang kilay ng dalaga. Pinalalabas nito na di niya kailangang mamoroblema sa trabaho. That she was an heiress. Wala siyang responsibilidad. People wait for her hand and foot.
“It’s okay. Di naman natin kailangang umalis. Pwede namang dito lang tayo. Magtrabago ka pa rin habang nagla-lunch tayo. Inilabas niya ang picnic blanket at inilatag sa gitna ng opisina nito habang nagha-hum ng kanta.
Bigla itong tumayo. “What are you doing?”
Umupo siya sa pulang picnic blanket at inilabas isa-isa ang laman ng basket. “Naglalaro ng bahay-bahayan sa gitna ng office mo. Di pa ba obvious?” sarkastiko niyang tanong pero kuntodo ngiti sa dalaga. Feel na feel niya ang pagiging wife. “Nagluto ako ng paella. Kasi alam ko favorite mo ito,” masaya niyang sabi.
““And it is not even time for lunch. Wala pang alas dose. Matagal na akong di kumakain ng paella,” anito sa malamig na boses.
“E di kumain ka ngayon. Matagal ka na palang di nakakatikim. Ako ang nagluto niyan.”
Tumayo ito sa gilid ng picnic blanket at namaywang. He looked like an imposing giant. Nakaka-intimidate ang binata para sa iba. Pero di siya nasisindak dito. Mas malapit ito sa kanya, mas masaya. Mas nakikita niya ang kakisigan nito. “What do you really want from me? May kalokohan ka na naman bang ginawa at kailangan mo ng tulong ko?”
“Wala,” tanggi niya. “Kailangan ba laging may ginawa akong palpak kapag lalapit ako sa iyo?”
“Yesssss,” sagot nito.
“That’s a lot of S.”
“You are whole lot of trouble.”
Mahilig sa gulo. Sakit ng ulo. Galing squatter’s area. Basagulera. Barubal. Parang imbornal ang bibig. Ganyan ang tingin sa kanya ng mga tao kanya nang una siyang ipakilala ng ama bilang anak nito. Hindi siya tanggap ng alta sociedad. Parang kuto siya na gustong tirisin ng mga ito. Galit na galit siya noon dahil di niya inaasahan na kung sino pa ang pinagpala sa materyal na bagay, ang mga ito pa ang masasama ang ugali. And she refused to change.
Hanggang sinabi sa kanya ni Miller na kailangan niyang makibagay. Na di na siya squatter’s. At kung gusto niyang matalo ang mga nanlalait sa kanya, she must defeat them in their own game.
Natuto siyang makibagay. Pinag-aralan niya ang lengguwahe at kilos ng mga ito. Di rin mailalait ng mga tao sa fashion sense niya. Pinagbutihan rin niya ang pag-aaral para di sabihing porke’t galing siya sa squatter’s area, wala na siyang utak. She graduated c*m laude in college.
Pero parang di naman iyon pinahahalagahan ng binata mula nang bumalik ito galing Amerika. Parang siya pa rin ang batang squatter sa paningin nito. Kahit na gaano na siya kaganda, kasosyal, at may achievement siya kahit paano, di pa rin siya nito pinapansin. Di naman niya masisisi ang lalaki. She was a bit of a troublemaker. Nitong nakaraan lang ay nag-petition siya laban sa coal power plant na nagdadala ng polusyon sa Isabela. Apektado kasi ang isang community na tinutulungan niya. Di niya alam na may shares pala doon ang kompanya ng ama. It put her father’s company in a bad light. Malaking gulo iyon at si Miller pa mismo ang sumundo sa kanya sa rally. At para maiuwi siya, kinailangan niyang makipagnegosasyon dito at sa coal power plant. Malaking dagok iyon sa kompanya. Sinabi niya na kung gusto nitong makabawi, mag-invest na lang sa renewable energy. That didn’t bode well with him as well. Of course, may mga minor problems pa siyang napasukan pero naroon lagi ang binata para protektahan siya.
Pinagsalikop niya ang mga kamay sa kandungan. "Behave kaya ako. Magtrabaho ka lang. Hihintayin lang kita dito hanggang oras na ng lunch mo.” Binuksan niya ang container ng paella na nakabalot pa sa dahon ng saging. “Grabeeee! Nakakagutom naman. Sarap nito.” Nakita niya ang paglunok ng lalaki. “Pero kung ayaw mo, pwede ko namang ipamigay.”
“No! Leave it,” anang lalaki. “I will just finish this.” At bumalik na sa mesa nito.
Pinagkiskis niya ang palad. Tagumpay! Hindi siya nito itinaboy. Ibig sabihin ay naakit na niya ito sa paella. Matutupad na rin ang date nila. Yes! Oras na para ipakita naman niya dito na may sense siyang kausap at di puro gulo ang dala. She wanted to discuss her business with him and her plans in the future. At gusto rin niyang malaman kung ano ang mga plano nito dahil willing to adjust naman siya.
“May champagne dito,” sabi niya at inilabas ang bote ng alak. “Alam ko maaga-aga pa pero sabi ni Papa dumoble ang kita ng stocks ko na in-invest mo sa Vilcon. Gusto mo bang manood ng MMA fight?" nakangisi niyang tanong. She liked mixed martial arts. At walang lalaking makakatanggi doon.
“Di ako bayolenteng tao,” anito sa malamig na boses.
Oo nga pala. Ni hindi ito marunong pumatay kahit ng lamok. Tahimik lang din ito kapag boxing ang usapan na paborito naman ng papa niya at ng ama nitong si Uncle Max. "Coffee na lang. Di na bayolente iyon,” bawi agad niya.
"At ano naman ang gagawin mo sa akin kapag nagkape? Alalay? Chaperone?"
"Bakit ko naman gagawin iyon?" Ito nga ang niyayaya niya ng date. Kung gusto nga ng binata na pagsilbihan niya ito na parang hari, basta pumayag lang itong mag-date. Kusang date. Di yung na-ambush at napipilitan lang.
"Because you finally accepted his proposal."
"Nino?"
"Christian Compostella.” Kumunot ang noo niya. It didn’t ring a bell. “Coffee importer ang parents niya. Chinito at may braces. Kausap mo sa party last week.”
Ngumisi siya. Alam nito kung sino ang kausap niya. Kunyari pang di nakatingin pero nakasunod naman pala ito sa kilos niya. “Naalala ko na. Siya ‘yung message nang message sa akin kahit di ko na nire-reply-an. Wala iyon.” That Christian was in the douchebag category.
“Nagpagawa pa nga siya ng billboard para yayain kang magkape." At inabot ang cellphone nito sa kanya.
Napapatda siya nang makita kung paanong ilahad ang isang billboard sa Guadalupe. Nakaupo si Christian sa isang maroon na Victorian chair at may hawak na tasa ng kape. May nakasulat na, Nadine Baluarte, I am in love with you. Please have coffee with me.
"Hala! May pa-billboard si Kuya."
"Hindi mo alam?" gulat na tanong ni Miller. “Viral na iyan.”
"Hindi. Kanina ko pa di binubuksan ang cellphone ko. Saka di ko naman nadaanan ang Quiapo dahil iba ang way ko.”
Binuksan niya ang bag at kinuha ang cellphone. Naka-silent iyon dahil ayaw niyang maabala sila ni Miller. Nagulat na lang siya nang makitang puno ng messages ang phone niya at marami na rin missed call. Malamang ay viral na ang billboard ng lalaki. Di talaga siya tatantanan ng lalaki.
“Tatanggapin mo ba ang proposal niya?” tanong ni Miller.
Umiling siya. “Ang creepy kaya. Tama ba na mag-propose siya nang ganyan? Minsan lang naman kami nagkita. Di bale sana kung ikaw ang magpo-propose sa akin. Kahit pakasalan pa kita.”
“Not a funny joke,” walang kangiti-ngiting sabi nito.
“Di naman joke iyon,” usal niya. “Kaya pwede ba kumain na lang tayo? Huwag mo nang pansinin ‘yang billboard na iyan. Gusto mo ba I-post ko na online na ayoko siyang I-date?” Patutunayan niya kay Miller na ito lang ang gusto niya.
Umiling ito. “No. Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos.”
“Bakit? Di ba ako pwedeng tumanggi porke’t nagpa-billboard siya?”
Nag-ring ang cellphone ng binata at sumenyas ang hintuturo ng binata na huwag muna siyang magsalita. “Hello, Ninong! Yes, Nadine is here. Uhmmm… sosorpresahin sana niya kayo pero may meeting po kayo. Kaya dito na lang po niya idinala sa office ang lunch na niluto niya. Ah! You are with the Compostellas? You want Nadine to join you for lunch?”
Umiling siya. Wala siyang planong makihalubilo sa mga Compostella. Di ngayong katatapos pa lang mag-propose ng date sa kanya ng anak ng mga ito. Hindi habang may pinag-uusapang business partnership ang ama niya sa mga ito. Hangga’t maari ay dumidistansiya siya sa usaping negosyo ng pamilya.
Di siyai papayag na masira ang date nila ni Miller. Pinaghandaan niya ito. Nagpaganda pa siya. Nagluto rin at nag-behave. Chance na niya ito.
“Papunta na kayo ng office ko?” tanong ni Miller at sinenyasan siya na iligpit ang picnic set up niya. “See you in a bit.” Parang ipo-ipo silang kumilos para ibalik ang mga gamit sa loob ng picnic basket. “Bilisan natin. Baka anong isipin nila.”
“Miller…”
“Behave. Don’t do anything stupid and smile. And don’t tell them that you came here to see me. Baka isipin nila may relasyon tayo.”
“Iyon naman ang gusto kong sabihin sa iyo.”
Gusto pa sana niyang dugtungan pero pinutol na nito ang sasabihin niya. “No. Kung ayaw mong makipag-date kay Christian Compostella, huwag mo akong gagamitin. Di ka nila mapipilit na makipag-date kung ayaw mo.” Kinuha nito ang picnic basket sa kanya at hinawakan ang siko niya. “Let’s go.”
Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Nadine ay dadalhin siya sa bitayan. Paano na ang pag-ibig niya kay Miller?