NAGISING SI Kaye nang maramdaman na may kumagat sa balikat niya. Pagmulat niya ng mata ay nabungaran niya ang nakangising mukha ng asawa. “Anong ginagawa mo? Ikaw ba ang kumagat sa akin?” kunot noong tanong niya rito. Hindi sumagot si Raizer. Binigyan lang siya nito ng nakakalokong ngiti. Sinimangutan naman niya ito saka muling pumikit. “Hey! Ginising na nga kita. Babalik ka pa ulit sa pagtulog. Bangon ka na. Mahigit kalahating araw ka ng natutulog.” Narinig niyang wika ni Raizer. Biglang nagmulat si Kaye. “Anong sinabi mo?” naniningkit ang mga matang wika niya. “Kanina pa kita ginigising. Pero ayaw mong gumising. Kaya kinagat na kita. Nag-aalala na ako kasi alas-singko na ng hapon,” paglilinaw ni Raizer. “Ano ‘kamo?” Pinandilatan ni Kaye ang asawa niya. Napansin niyang nilingon ni

