Ang iniisip niyang magiging normal ang lahat sa kabila niyon ay di nangyari, dahil nagising nalang siyang wala na ang gamit ng lalaki. Kahit ang mga hinubad nito ay wala na doon. Di niya napigilang di mapahagulhol nalang. Space lang naman ang hinihingi niya, di naman siya maghahangad ng higit sa kung ano ang kaya nitong ibigay sa kanya. Ilang minuto din ang pinalipas niya bago siya nagpasyang lumabas. Magpapaalam siyang pupunta na muna sa apartment niya, gusto niyang mapag isa muna. "Saan ka pupunta?" High pitch na agad ang nanay niya pagkarinig palang na aalis siya. "Sa apartment po nay, titingnan ko kung ayos pa po." Sabi niya dito, sa isip isip niya ay nagdarasal siya na sana ay pumayag ito sa nais niya. Gusto niyang malayo muna kahit saglit sa kanyang mga iniisip. "Magpasama ka sa

