It's been two days simula nung nakabalik sila mula sa pangkidnap nito sa kanya. Bact to normal ang lahat, walang sinuman sa mga kaibigan at katrabaho niya ang nagtangkang nag ungkat ng nangyari. "Kain na tayo Madam." Sabi ni Mimi na kinatok pa ang kanyang mesa. "Sige tatapusin ko lang ito." Sabi niya na inayos ang mga papel sa harapan. May mga dokumento na nangangailangan ng perma ni Travis. Ngunit dahil wala ito ay iaayos nalang niya muna sa table nito. Para pag makabalik ito ay magiging madali nalang dito ang magbasa at magperma. Ayaw niya din kasi na makalat ang mga documents. "Ang tahimik mo simula ng nagbalik ka, may nangyari ba?" Usisa ni Miss Liz. "Wala naman." Sabi lang niya. Ngayon lang nagtanong ang mga ito at inasahan na niya na malupit pa ang sunod na itatanong ng mga ito

