Magkasabay silang papasok kinabukasan, medyo inaantok pa siya ng bumangon. Nauna na ito sa baba mag gym yata di niya sure, basta naramdaman niy ang pagbangon nito at ang pagtawag sa kanyang pangalan. Pero sa sobrang pagod ay di na niya masyadong naintindihan ang sinabi nito. Tanging ang sabi nito na kailangan nito na pumunta sa opisina. Syempre kailangan niyang sumunod dito lalo at ito ang kanyang boss. Ito din ang nagpapasahod sa kanya, alam niyang di nila habang buhay na maitatago sa mga kasama sa trabaho. "Nasaan kaya ang cellphone ko?" Tanong niya sa sarili niya ng matapos siyang maligo. Naka office uniform na siya, mabuti at di nagkalagay ng kiss marks ang lalaki. Kumakalam na ang sikmura niya sa gutom. Anong oras na siya tinigilan ng lalaki kagabi, halos di na niya maigalaw ang b

