Dustine Laur Venus
"Hello Everyone I'm your instant Teacher Dustine Laur Venus!" sabi ko sa harap ng mesa na halatang hindi nalilinisan dahil sa chalk na may vandalized na nudes ngunit parang wala silang narinig at ipinagpatuloy nila anh kanya-kanya nilang gawain.
Napangiwi ako.
Talaga namang mas masahol pa sa mga ungas itong klase'ng ito! Nagsisisi tuloy ako king bakit ko pa tinanggap itong misyon na ito nang hindi ko man kang nalalaman na sila pala ang ni-guide ko.
Sana pala tinanong ko muna kung anong section yung tuturuan ko bago ako pumirna! Ngayon wala ng atrasan! At ang masama pa puros silang lalaki at alam ko nang mas mahirap silang ni-guide.
Ni hindi nga nila alam ang presensiya ko rito sa harap nila.
Hello!? Nandito ako mga gago!
No wonder! Sa lakas ba naman ng music nila sa loob sa tingin niyo maririnig nila ako?
Kasalukuyang naka-play sa isang malaking speaker sa likod sa dulo ng classroom ang kantang Banal na aso!Santong kabayo! na sinasabayan ng iba. Nagsasayawan habang gamit iyong walis tambo na ginawang guitara habang nakatayo sa mesa. Yung iba naman ay nasa upuan lang, kumakain ng isang bucket ng biscuits. Samantalang ang karamihan naman ay nagkumpol-kumpol ng pabilog habang nasa harapan nila ang isang loptop na may porno'ng nakaplay.
At hindi naman nagpapatalo ang mga gamblers ng klaseng ito dahil nagsisigawan na sila habang naglalaro ng uno at braha. Note, tig-isang libo ang taya nila.
May sarili namang mundo ang ilan habang umiinom pa ng gin na may halong C2 na pinagsasaluhan nila. Mga mukha pa silang lasing dahil may nag-d-drama na habang sumisigaw ng Wala nang matinong babae ngayon! Mga fvckgurl silang lahat!
Wow talaga! As in! Jusko! Hindi pa ako nagsisimula sumasakit na ulo ko. Pakiramdam ko ay dito ako magkaka-uban.
Agaw eksena naman ang dalawang lalaki na kung ano-anong pinaguusapan habang sabay silang tamatawa.
"Bwahahaha!! Ang gago mo Taylor!" sabi nung lalaki na may lampaso'ng buhok habang; may sinisilip pa siya sa loob ng kanyang slux black pants niya.
"Mas gago ka Golden! Mas mas mataas na nga yung ihi ko kesa sayo! Patingin nga niyang junior mo?!" sumilip naman yung Taylor sa pants nung Golden saka sila sabay nagtawanan.
"Hahaha!Kaya pala ambaba ng ihi mo,ang liit ng junior mo!Pwe!Hahaha!"
Depota!? Pati ba naman ihi pinaguusapan?
Mayat-maya pa ay sumingit yung may glasses na lalaki. Kyut siyang tignan at pakiramdam ko sa kanya ay childish type ito dahil sa hawak siyang barbie toy cellphone na yung may kanta,
Telelet!
Telelet!
Wawawut!
"Anong ginagawa niyo mga hangal?!" Tanong nito.
"Puta Spencer! Anliit ng teteng ni Golden!" Sagot ni Taylor habang nasa loob parin ng pants niya ang kamay.
"Mag ungas! Pareho kayang walang binatbat sa kapogian ko! !" Sagot ni Spencer.
"Feeling amputa ka Spencer! Maligo ka muna!Amoy kanal ka naman!"sabi nung Golden.
Nanatili lang akong nakatanga doon. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hanggang sa napansin siguro nung Spencer ang presensiya ko.
"Oh?" Tumaas ang kilay nito bakas ang pagtataka.
Bago natatawang ibinalik ang atensyon sa mga lalaki ibinalik "Mga ungas! Ang ingay niyo kaya pala hindi niyo napapansin na napadalaw pala si Betty la fea!m sa room naten!"
Gago!
Napatingin naman ang dalawa saakin. " Taena! Kanina ka pa ba diyan, Betty la fea?" Namimilog mata ng tanong nung Golden. Pero natatawa rin.
Oo kanina pa ako nandito!
"Oo,ako pala si Dustine-"
"Dustpan!?Hahaha!!" Tatawa-tawang putol pa nung Spencer.
"It's Dustine! Not Dustpan!" Iritang pagtatama ko.
"Ini-english tayo pre!"Sabi nung Taylor.
"Aba e di english-in mo rin!"sagot namam nung Spencer.
"Aba gago!Hindi ko alam mag-english!Alam mo namang si Master Briyant lang ang magaling sa mga larangang ganyan!"
"Ako na nga!"tumayo yung Golden ang pangalan na may gold na hair tsaka kumagat sa labi nito."Hey!Betty la fea!Anong happening mo here!?"sabi nito at nakangisi.Tumawa naman yung dalawang kasama niya.
Ano raw? Alien ba 'to?
I rolled my eyes at Inilibot ko nalang ang paningin ko sa buong room nilang mas masahol pa sa kulungan ng baboy.
Vandalized na mga upuan,mesa at pader. Sira-sirang mga kagamitan. Nagkalat na mga papel, note books,libro at braha sa sahig. May nakasinding sigarilyo pa at mga bote ng alak sa sahig Idag-dag mo pa ang napakalakas na soundbox sa bandang likod ng Classroom na nagpaplay ang kantang...
Banal na asooooooo!
Santong kabayoooo!
Natatawa ako hihihihi!
Kinginang 'yan! Saang lumalop ba sila nanggaling at puro kagaguhan ang mga ginagawa nila!?
Naawa tuloy ako sa sarili ko. Mukhang madali akong maging matanda dito! Paano ko naman sila tuturuan e mismong sa sarili nila hindi nila kayang tulungan!?
Mas mabuting mategi na nga lang ako!
"BULLSHIT! KAPAG NAKITA KO KUNG SINO ANG NAMBATO SAKIN SA OLD ROOM TALAGANG PATUTUMBAHIN KO SIYA!"
Napatigil kaming lahat sa sigaw ng pamilyar na boses at nagmumula 'yon kay Briyant na kakapasok lang sa pinto kasama ang iba pang mga lalaki at yung sikat niyang batuta sa balikat niya.
Agad nag-land ang tingin niya sakin. Tinaasan niya ako ng kilay at nagtatanong itong tumitig ng 'Anong ginagawa ng panget na 'to dito?'
Nakaramdam ako ng kaba sa narinig ko kanina.
Ipapatumba niya raw kung sinong nambato sa kanya. Kinakabahan na ako para sa kung sinong gumawa non. Oo,kinakabahan ako sa sarili ko.
"Master!Anong nangyari sa noo mo? Nakipag-away ka ba sa kabilang campus?" tanong nung isa na ang pangalan ay Spencer ng mapansin niya ang bukol sa noo ni Briyant.
"Hindi! May gagong tumira sakin kahapon!Titirahin ko din kung sino ang gumawa non!" Maangas na wika niya. Napalunok ako. Oh gosh!
Napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya sakin. Nagkunwari akong hindi siya napansin at itinuon ang tingin sa babasaging bintana ng classroom nila kung saan kita sa baba ang oval ng campus ngunit napasinghap nalang ako ng bigla niyang kinalapag ang mesa habang ang mga kamay niya ay nasa bawat edges ng mesa,titig na titig saakin.
Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa kanya.
"B-bakit?" Sinikap kong magtanong. Ngumisi ito ng nakakaloko at nakikiramdam lang naman ang iba pang mga tao sa loob. Siguro iniisip nila kung saan nila ako ililibing sa oras na pinatay ako ng lalaking ito.
"Anong ginagawa ng isang panget dito? Nandito ka ba para i-flex ang mukhang 'yan?" nanlalait ang mga mata niya at hindi ko naman mapigilang masaktan sa narinig ko. Bahagya pa akong naduwal nang maamoy ang red horse beer sa bunganga niyang malapit sa tenga ko.
Yuckkk!
Umagang-umaga lasing!? Pvtangina! Huwag na kayong pumasok!
"H-hindi!" kahit anong tapang ko,nagawa ko parin mautal sa sobrang lapit ba naman ng mukha niya. Feeling ko kasi kahit anong oras e pwede na akong saksakin o sakalin.
"So what the f**k are you doing here,then!? Nandito ka ba para magpa-r**e!?Huwag ka nang umasa,walang papatol sayo! Hindi ganun kadesperado ang mga alien na 'to para patulan ka!"
Nagtawanan namn sila sa sinabi niya. Grabe! Sakit ah!
"Hindi ako nandito para magpa-r**e! Nandito ako para turuan kayo ng GMRC!" singhal ko sa kanya. "And FYI hindi ko gugustuhing isa sainyo ang m**********a saakin!" Kung ano-anong pinagdadada! As if,may type ako sa kanilang sampu!?
Oo sampu silang mga unggoy na tuturuan ko at mukhang walang fully developed dahil puro sila chimpanzee dito.
Puro abnormal.
Pinag-iwanan ng panahon.
"Takte! Ikaw magtuturo!? E,anong ituturo mo samin? Maging losyang at panget?" Komento pa niya. Gago talaga.Isa pa talaga masasapak ko na 'tong bwusit na 'to!
Hingang malalim Dustine. Kaya mo 'to. Para sa pag-aaral.
"Hindi mo na kailangan 'yon!" Bulong ko at mukhang narinig niya.
"Ano sabi mo!?"
"Wala! Sa pagkakaalam ko,walang subject na nagtuturo ng pagiging losyang. Nasa sarili mo kung gusto mo 'yon. Kaya ngayon, bago ko pa kayo isumbong sa dean,umupo na kayo at tuturan ko na kayong maging tao!"sarkastikong sabi ko tinalikuran na sila para burahin ang nudes na drawing sa white board. Grabe! Mga tigang!
Ngunit sadyang matigas ang mukha nila dahil imbis maupo. Nagtawanan sila. Pinalakas pa nila ang kanta sabay gulo ng mga upuan.
"Sige!!Mag-ingay pa kayo!!" sigaw nung Golden at nagtatatalon!
"Woahhhhhhhhh!!"
"Hallelujah!"
"Guys?Huhuhu!"
Natigilan sila nang may umiyak mula sa likod.
"Carryer? Ano na naman ba ang problema at iyak ka na naman diyan!?"tanong ni Spencer.
"Y-yung song!"Humihikbing usal nung Carryer "Theme song namin ang Hallelujah ng ex ko! Yung pinapatugtog niyo!huhuhu!"
Pfft!
" Takte! patayin niyo yung sound box! Hindi 'to titigil!"dali-daling tumakbo si Taylor at in-off yung speaker.
"Next time huwag niyo ng ipapatugtog 'to!"utos pa ni Golden.
"Maupo na kasi kayo at makinig sakin!" Utos ko rin. Kinunutan nila ako ng kilay pero naupo naman sila.
May utak din pa pala sila kahit hindi halata.
"Good Morning,Class." Bati ko with my smile na may nakakakabit pang braces. Gusto ko na itong ipagtanggal simula palang pero masyado akong busy. Next time nalang siguro.
"First of all, Please introduce yourselves para malaman ko ang mga names niyo so that we can be friends!"Tinuro ko ang upuan sa harap at nakangiti naman itong nagpakilala.
"What's up dabarkads! My name is Golden Maxxis,masarap kahit walang sauce!"
Huh?
" Gago ka Golden!" si Spencer iyon na siyang sumunod naman. "Hi my name is Spencer Kim na naniniwala sa kasabihang cute ako!"
"Stop tokong (Talking) mga maderpaker!" Nakisingit si Taylor. "My name is Taylor Quezon. Maliit man ang teteng,nakakajuntes den!"nagtawanan sila pati ako natawa pero nakakatangina lang!
Kingina! Introduction pa ba 'to?
Sumunod yung iyakin kanina na may theme song na Hallelujah ni Bamboo ata yon. Ewan ko!
"Hi!Huhuhu! I'm Carryer Sai, sadboi ng section f" pinunasan niya ang luha niya at tsaka umupo ito.
"Kent Thomas,mas masarap kesa sa mang thomas!" Komento nung isa na may green na buhok. Nagtawanan naman sila.
"Carley Ellish,kapatid ni Billie Ellish! Syempre charot lang yon! Ako pala yung lalaking may malawak na puso dahil kaya kong ikasya ang walong babae sa puso ko!"
Siraulo!
Nakikita ko nga 'to araw-araw na tiglilima ang mga babaeng inaakbayan!
The womanizer!
"Dash West,ang nasobrahan sa pagmamahal sa sarili dahil naging bola-bola na ako!"sabi nung mataba na may hawak pang tobleron at isang timba ng fiesta biscuits!
"Mad Vioto, ang lalaking hindi manloloko."
"Weh?" Singit ni Dash. "... Alam mo naman crush kita diba pero bakit mo ako niloko?"tila natatawang tanong ni Dash.
Pfft!I smell something fishy!
"Tumigil ka nga sa kabaklaan mo,Dash!" Tumayo yung isa pang hindi nagpapakilala.
"Fox Hendrix..."
"Na?" sabi ko umaasang may maidadagdag gaya ng iba pero wala..Umupo lang ito at tumingin sa bintana..Mukhang mas masungit pa 'to kesa kay Briyant.
"Next?"turo ko kay Briyant.
"I don't need to introduce my hot self. Kilala niyo na ako!"
Ang yabang ampt!
Hinayaan ko nalang siya at huminga na ng malalim sabay ngiti.
"I'm Dustine Venus,17 years old and I'm going to teach you about Conscience," may pagdidiing saad ko para malaman nilang wala silang konsensya sa p*******t kay Karlos.
"For you, what is Conscience?"dagdag na tanong ko.
Agad na nagtaas ng kamay si Spencer. Mukhang matalino 'to ah.
"Yes, Spencer Kim?"
"For me,Conscience,a mixture of condensada and a little bit of science! Conscience!"
"Hahahahahahah!!Ang galeng mo Spencer" Natatawang sigaw ni Taylor. Natampal ko nalang ang sariling noo. Kalma Dustine. Huwag pumatol sa hayop.
"Witwiww!Talo mo pa si Einstein sa utak mo!"si Golden naman habang pumapalakpak pa.
Lord!Kill me now!
...
"Hayyyyyyyy!!" nasabi ko nalang kasabay ng pagpapakawala ng pinakamalalim kong hininga.
"Good Job, Dustine!Ngayon next to your job!"
Kinakausap ko ang sarili ko sa salamin habang nagpapalit ng civilian dress sa loob ng lady's room. Isusunod ko na kasi ang trabaho ko mamaya.
Mayat-maya pa ay tumunog na ang bell na nagsasaad ng uwian.kaya nagmamadali akong lumabas ng cr at nagtungo sa scooter ko.
...
"BILISAN mo naman ang kupad mo!" nakakunot ang kilay ni Manang Diding-manager ng beer house kung saan ako nagtatrabaho bilang waitress.
"O-opo!" Sabi ko ang nagmamadaling kinuha ang isang bucket ng beer sa counter at dinala sa nag-order na kumpol na mga matatandang mga lalaki.
Nang ilapag ko na ito,bigla nalang may pumalo sa pwet ko na nagpakulo ng lubos ng dugo ko. Buwisit! Mukhang mapapaaway ako,ah.
"Ang bastos niyo ho naman!" Sigaw ko at harap niya na tumayo ay mukhang siya pa 'yong galit.
Bwusit amputa ka!
"Aba! Customer is always right!" Pilosopong sagot pa nito. Nagtawanan naman ang kasama niya samtalang pinapanood na kami ng iba pang tao sa loob
"Hindi tama ang pambabastos niyo! Mga walanghiya kayo! Mga bastos!" Nangangalaiti ako sa galit.
Napayukom ako sa sariling kamao kasabay ng paglapit ni Manang Diding saamin.
"What's the problem,sir?" Tanong nito.
"Yang waitress niyo,masyadong maarte hindi naman kagadahan! Mukha namang palaka!"
What!?
Sa sinabi niyang yun,malakas kong sinapak yung lalaki sa mata nito. Boom! Eye bags!
Nanonood na yung mga tao sa loob at yung iba kumukuha pa ng video.
"Dustine!" Nagbabantang sigaw ni Manager sakin.
"Sorry po Manager,pero hindi naman siguro tamang-"
"You're the wrong here! Apologize!"she trailed me off. Gusto niya akong humingi ng tawag sa bastos na 'to?
"Nope!I won't!" Pagmamatigas ko. Hindi ako hihingi ng tawag lalo pa at alam kong wala akkng ginawang masama. Ngumisi siya bigla.
"Then you're fired!" Agad nanlaki ang mga mata ko.
"Pero manager-"
"No pero-pero! Tanggal ka na Dustine! Nalulugi kami ng dahil sa mga katulad mong masyadong tapat sa dignidad!"
"Pero hindi yun tama manager Diding!Alam mon'yon!"nagbabasakali akong mabigyan ng chance.
"I'm not going to change my mind, anymore!"
"OF COURSE YOU WON'T BECAUSE SHE BELONGS TO ME RIGHT NOW,f*****g CHUBBY s**t!"
Agad akong napatingin sa nagsalita at Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng makita kung sino yung mga nandito.
Section F...
Astig silang tignan sa kani-kanilang pormang pang-gangster talaga. Leather jackets, black converse high cut shoes, bandana at syempre ang kanilang armas na batuta.
Pero pano'ng nalaman nilang nandito ako?
"And who are you?" Taas kilay na tanong ni Manager Diding.
"Huwag mo nang tanungin tabachoy, baka maihi ka pa kapag nalaman mo kung sino ako!" Marahan nitong sagot kasabay ng paghablot niya sa pulsuhan ko at inilagay sa kanyang likod na para bang pinoprotektahan niya ako.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. Ang astig niya . Aaminin kong, ang cool niya sa lagay na ito.
"At nandito kami para sirain ang mga gamit niyo!"
Nagulat ako ng basagin nila yung mga bucket sa mesa kasabay ng pagsipa pa nung iba.Nagsitakbuhan naman yung iba pati yung manyak na matanda pero syempre,hindi ko ying hinayaan dahil agad ko na siyang kinuwelyuhan.
"Opps!Opps!Saan ka naman pupuntang hayop ka?" Sinapak ko uliy siya sa kabilang mata.Para balance diba?
Sinuntok ko pa ulit yung bunganga nigo at dumugo.
"Sa susunod na gawin mo pa yun,babalikan kita!" Pananakot as if,magkikita pa kami." I may be your scariest nightmare!" Binitiwan ko na siya at naiiyak naman itong tumakbo palabas.
"Hello police department!May nanggugulo po dito sa beer house ko!"boses yun ni Manager Diding habang may kausap sa phone at alam kong mga police yun.
Agad naman akong lumapit kay Briyant na abala sa pagdurog ng mga gamit.
"Hoy!Umalis na tayo dito!Dadating yung mga police!"sigaw ko sa kanila.Nagsitakbuhan naman kami palabas pero napansin kong hindi gumagalaw si Briyant.
Peste!Ang kupag!
Kaya naman hinawakan ko yung kamay niya at tumakbo palabas.Nauuna yung ibang kasahaan niya at ako naman nahuhuli.Kasi naman,parang bagot na maglakad tong hinihila ko.
Naku talaga!Kapag nahuli kami,ewan ko nalang.
Lumiko sila kaya sumunod kami ni Briyant sa kanila.Medyo malayo na ang narating namin kaya napagdesisyunan naming,doon muna magpahinga.
"Woah!Ang exciting!" Komento ni Spencer habang nakalagay ang dalawang kamay sa tuhod sabay hinga.
Takte!Anong exciting doon?
"Punyawang yan!Muntik na tayong mahuli!" Komento naman nung iba.
"Teka nga pala,bakit kayo nandon?Sinundan niyo ba ako?" Tanong ko.
"Huwag ka ngang feeling! We're their because that f*****g chubby s**t is our enemy's mother! We are just giving them a s**t!"
Ahh.Akala ko kung ano na.May pa hottesf s*x god prince charming pa kasing nalalaman ampt!
"E ikaw,hanggang kailan mo gustong hawakan ang kamay ko?"
Narealize ko na hawak ko pa pala yung kamay niya kaya agad ko na yun binitawan.
"Pero bakit mo naman ako tinulungan kanina,e diba nga masama ka at tsaka bulastog kang tao,diba?"
Takte!I shouldn't asks this!
"Gusto mong marape?"
"A-ano?"utal ko namang tanong.
"Kung hindi kita tinulungan kanina,syempre nirape ka na nila.You don't know how they are doing illegal on that f*****g beer house.Baka hindi mo alam, may extra service diyan! "
Weh? So, totoo ngang yung mga nagiging waitresses ay kapag mah nagkagusto, binebenta ni Manager Diding!?
"Kaya pala ganun nalang balewala sa kaniyang nabastos ako kanina!"
"Exactly! Luckily I'm so smart so I was hitting a two birds with one stone. "
"What do you mean? "
"Sinadya ni Master,Briyant yun dahil kapag sinira namin yung beer house ng kaaway namin at nagreport naman yung tangang nanay niya,e di masasara yun dahil illegal ang kalakaran doon at hindi pa tayo makakasuhan at syempre malulugi pa sila!"
For the first time,natuwa ako ng may ginawang kabulastugan kasama pa ang pinakabulastog na grupo sa lahat.