Anak Ng Callboy II Chapter 21 "Nasa maliit na chapel sa Malawi Compound ang labi at burol ni Eduardo," sabi ni Carlos. Nalaman ni Carlos iyon dahil na rin sinabi sa kanya ni SPO2 Raven Santos. Natutuwa siya dahil malaki ang tulong ni SPO2 Santos sa mga gusto nilanh kailangan na impormasyon tungkol kay Eduardo at sa sunog. "Paano mo nalaman iyon Carlos?" takang tanong ni Amir. Kakatapos lang magluto ni Amir ng kare-kare na ni-request ni Hayes. Ngayon ay sinabihan niya sila Carlos at Nixon na mag-ayos nang lamesa para makakain na silang lahat. Para bago nila gisingin si Hayes ay handa na ang tanghalian. Nagtaka si Amir dahil sa sinabi ni Carlos at napansin niya na kanina pa abala sa cellphone nito. Para bang may ka-text ito? Alam naman nilang lahat na hindi ito mahilig humawak ng c

