Anak Ng Callboy II Chapter 46 "Kakatawag lang sa akin ni Nixon, ang pamangkin ko. Iyong kinukuwento ko sa'yo," sabi ni Boris. Nilapitan ni Boris si Jamison na abalang naghuhugas ng plato. Kakatapos lang nilang magmiryenda ng cake ng Rald's Box Café na classic red velvet cake. Pumunta na siya sa may likuran nito at niyakap niya ito. Hapon na hapon ay nag-iinit na naman ang katawan ni Boris. Nakangisi lang siyang nakayakap ngayon sa likuran ni Jamison. Nilapit niya ang kanyang ilong sa leeg nito at inamoy-amoy niya ito. "B-Boris, naghuhugas ako baka pareho tayong mabasa rito. Oo natatandaan ko si Nixon," ngiting sabi ni Jamison. Ramdam na ramdam ni Jamison ang matigas na bagay na tumutusok sa kanyang puwetan. Alam niyang matigas na b*rat iyon ni Boris. Hindi na bago sa kanya ang g

