Anak Ng Callboy II Chapter 55 "Gusto niyo pa bang ituloy ang kuwento?" ngising tanong ni Nixon. Nandito na sila sa loob ng chapel kung saan nakita at nakilala nila si Lexus ang nakakabatang kapatid ni Raddix. "Syempre naman Nixon. Sobrnag bitin na bitin kami sa kuwento mo. Pero mas maganda kung sa labas tayo dahil nakakahiya naman kung sa loob ka pa ng chapel magkuwento ng mababalaghan," sabi ni Amir. Inaya na ni Amir sila Carlos at Nixon na lumabas ng chapel para roon na lang sila magkuwentuhan. Hinayaan na lang muna nila si Hayes, na kausapin at samahan ang future son nitong si Lexus. "Sige tara na sa labas. Nasa labas si SPO2 Raven Santos," masayang sabi ni Carlos. Kanina pa ka-text ni Carlos si SPO2 Raven Santos. Imbes na pag-usapan nila ang nangyaring sunog ay ang mga pin

