Anak Ng Callboy II Chapter 57 "Kamusta ka na Lexus?" ngiting tanong ni Hayes. Masasabi ni Hayes na sobrang guwapong bata si Lexus. Sa murang edad nito ay nakikita na niyang maraming magkakagusto rito. At hindi na siya makapaghintay na tawagin itong anak. Nagpaiwan na muna si Hayes sa loob ng chapel para na rin makausap si Lexus. Masasabi niyang kahawig ni Raddix ang nakakabatang kapatid nitong si Lexus. "A-ayos lang po," magalang na tugon ni Lexus. Nanatili lang si Lexus na nakatingin sa kabaong ng kanyang ama. Hindi pa rin siyang makapaniwala na wala na ang kanyang ama. Lagi rin niyang napapaginipan ang huling sandaling kasama ang ama niya. "N-nasaan pala ang Kuya Raddix, mo?" usisang tanong ni Hayes. "Nasa bahay ni Kuya Jagger, po nagpapaghinga siya kasama ang isa nitong k

