Anak Ng Callboy II Chapter 18 "Bakla kumain ka naman dyan. Jusko baka ikamatay mo pa iyan kapag 'di ka kumakain. Kagabi ka pa hindi kumakain," pag-aalalang sabi ni Amir. Dito na nagpalipas ng gabi si Amir kasama sila Nixon at Carlos. Sinabihan niya ang dalawa niyang kaibigan na samahan nila si Hayes. Naisip niya na baka magpakamatay ito at sundan si Eduardo sa kabilang buhay. Alam naman niyang mahal na mahal nito si Eduardo. Ngayon ay inaya ni Amir na mag-almusal si Hayes kahit na wala itong ganang kumain. Kitang-kita niya sa guwapong mukha nito ang pamamaga ng mata nito dahil sa kakaiyak. "Hayes, kailangan mong kumain para lumakas ka. Aba daig mo pa ang nagkasakit ah? Tignan mo nga sarili mo?" kunot noo sabi ni Nixon. Alam naman ni Nixon kung ano ang pinagdadaanan ng kanilanh k

