Anak Ng Callboy II
Chapter 9
"Gunner, saan ka ba nagpupunta? Kanina pa kami naghahanap sa'yo," pag-aalalang tanong ni Zenon.
Nakipagsiksikan talaga si Zenon kasama sila Pierce at Rainer. Masyadong nagkakagulo ang mga tao sa loob ng Malawi Compound dahil na rin sa malaking sunog na nagaganap ngayon.
Hindi maiwasan ni Zenon na maawa sa mga taong nakikita niya ngayon. Nagkalat ang mga tao at mga kagamitan sa bahay tulad ng tv, ref, electric fan at iba pang naisalba ng mga ito mula sa sunog.
"P-patay sa sunog ang ama ni Raddix," malungkot na sabi ni Gunner.
Kahit hindi pa nakikita ni Gunner ang ama ni Raddix ay hindi niya maiwasan na makaramdam siya ng lungkot at awa sa sinapit ng ama nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Raddix kapag nalaman nito ang masamang balita.
Hanggang ngayon ay tumatawag pa rin si Gunner sa cellphone ni Raddix ngunit hindi ito sumasagot. Bigla niyang naisip ang pinsan niyang si Calum. Sigurado siyang magkasama ang dalawa ngayon?
Inaya ni Gunner sila Pierce, Rainer at Zenon na lumabas na sa Malawi Compound. Sinabihan niya ang tatlo na pumunta sa condo unit ni Calum sa bayan ng Isidro sa Zaltra Tower.
"Ano gagawin natin doon?" takang tanong ni Rainer.
Naghihinayang si Rainer na hindi man lang niya nakita ang kanyang kasintahan na si Benz. Kanina sa pagpasok nila sa Malawi Compound ay hindi niya inaasahan na makakasaksi siya ng mga nasusunog na bahay.
Sobrang awang-awa si Rainer sa mga taong nasunugan. Nanghina ang katawan niya ng malaman na namatay sa sunog ang ama ni Raddix.
Habang papalabas si Rainer sa Malawi Compound kasama sila Gunner, Zenon at Pierce ay pasimple siyang tumitingin sa paligid. Nagbabasakali si Rainer na makita niya si Benz. Gusto man niyang tawagan ang kanyang kasintahan para ipaalam na nandito siya ngayon sa Malawi Compound ay hindi niya magawa.
"Susunduin natin si Raddix, doon," seryosong sabi ni Gunner.
Napayukom na lang ang dalawang kamao ni Gunner habang papunta sila sa may pinaradahan ng kotse ni Rainer. Hindi niya maiwasan na magalit kay Raddix dahil inuna pa talaga nito ang trabaho nito bilang callboy kaysa sa pagiging anak nito sa ama nito.
"Rainer, ikaw ulit ang mag-drive," utos ni Pierce.
Pumasok na si Pierce sa backseat kasama si Gunner. Samantalang si Zenon naman ay umupo sa may passenger seat. Si Rainer ulit ang pina-drive niya dahil kung si Gunner ang magdri-drive siguradong disrasya ang abot nilang apat.
Napansin ni Pierce na tahimik at nakayukom ang dalawang kamao ng kanyang kaibigan na si Gunner. Ramdam niyang galit na galit ito ngunit hindi nga lang niya alam kung bakit?
Napansin din ni Pierce na masyadong nag-aalala si Gunner kay Raddix? Alam naman niya na hindi naman malapit sa isa't-isa si Raddix at Gunner.
"Dude wag kang magagalit sa itatanong ko. Maasyado ka yata nag-aalala kay Raddix?" kunot noo tanong ni Zenon.
Kanina pa nagtataka si Zenon kung bakit mainit ang ulo ni Gunner? Kung bakit labis itong nataranta at nag-aalala noong malaman nitong nasusunog ang unang bahagi ng Malawi Compound? At higit sa lahat ay nagtataka siya kung bakit alalang-alala ito kay Raddix?
"Tangin*!" galit na tugon ni Gunner.
Hindi nagustuhan ni Gunner ang tanong sa kanya ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa kanyang kaibigan na importanteng tao sa kanya si Raddix. Paano niya sasabihin matagal na silang magkakilala ni Raddix?
"Sinabi ko naman sa'yo na wag kang magalit dude," ngising sabi ni Zenon.
Alam ni Zenon na hindi nagustuhan ng kanyang kaibigan ang itinanong niya. Pero gusto talaga niya malaman at alam niyang ganun din si Pierce gusto nito malaman kung ano ba ang nangyayari ngayon kay Gunner?
Napatingin si Zenon ay Rainer na tahimik na nagmamaneho ng kotse nito. Malakas ang kutob niya na may alam ito sa namamagitan kay Gunner at Raddix. Muli niyang ibinaling ang tingin niya sa kanyang matalik na kaibigan na si Gunner.
"Dude sabihin mo na kung anong meron sa inyo ni Raddix? Siya ba ang dahilan kung bakit mainit ang ulo mo kanina at kung bakit nagpakalasing ka?" kunot noo tanong ni Zenon.
"Dude mga kaibigan mo kami. Magtiwala ka sa amin," seryosong sabi ni Pierce.
Nagpapasalamat si Pierce na naglakas loob si Zenon na magtanong kay Gunner. Alam niyang iisa lang ang nasa isip nila ni Zenon. Gusto nilang malaman kung ano ba si Raddix kay Gunner?
"M-mahalaga siya sa akin," seryosong tugon ni Gunner.
Parang natauhan si Gunner sa sinabi sa kanya ni Pierce. Magkaibigan silang tatlo at kailangan niyang magtiwala sa dalawa niyang kaibigan. Para na rin makahinga siya ng maluwag at para na rin mailabas niya ang kanyang saloobin.
"Mahalaga sa'yo si Raddix? Sige dude sabihin mo sa amin kung bakit mo nasabi iyon?" seryosong tanong ni Pierce.
Nagulat si Pierce sa sagot na iyon ni Gunner. Hindi niya inaasahan na ganun klaseng sagot ang sasabihin sa kanila ng kanyang kaibigan. Ngunit kahit nagulat siya ay hindi niya ipinaramdam o ipinakita iyon kay Gunner. Ayaw nitong masaktan sa reaksyon niya.
"M-matagal ko na kakilala si Raddix," tugon ni Gunner.
Napasandal na lang si Gunner sa kanyang kinauupuan at napatingin siya sa may bintana ng kotse. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Raddix.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Alam mo bang inistorbo mo ko sa pagtulog ko?" inis na sabi ni Gunner.
Walang pakialam si Gunner, kung nakahubad siya ngayon. Nainis siya na nagpapasalamat siya sa istorbong ginawa ni Faizah, sa pagtulog niya. Kung hindi ito kumatok sa pintuan niya ay siguradong kinabukasan na siyang nagising.
"Sorry pero may dala akong energy drink para sa'yo," ngiting sabi ni Faizah.
Iniabot ni Faizah, ang isang bote ng energy drink na laging iniinom ni Gunner. Lumawak ang ngiti niya dahil malugod na kinuha ng matipunong lalaki ang energy drink na binigay niya.
"Wag mong sabihin na may kapalit itong binigay mo sa akin?" seryosong tanong ni Gunner.
Napangisi si Gunner, dahil napailing na parang natakot sa kanya si Faizah. Nagpaalam agad ito sa kanya. Napapailing na lang siyang sinara ang pintuan ng kanyang kuwarto at inilagay na muna niya ang isang bote ng energy drink sa kanyang side table.
Pumunta na si Gunner sa kanyang walking closet para kumuha siya ng kanyang isusuot. Dahil desidido na siya na pumuntang mag-isa sa Malawi Compound para kausapin si Jagger.
Isang sky blue na polo at isang puting slack pants ang napili ni Gunner na isusuot ngayong gabi. Kumuha na rin siya ng isang pares na mamahaling sapatos na bumabagay sa kanyang isusuot ngayon. Habang sinusuot niya ang kanyang polo ay napangisi siya dahil kitang-kita niya ang pinaghihirapan niya sa araw-araw niyang pagpunta sa gym.
Isa sa mga kinababaliwan ng mga babae at mga baklang nakakakilala at nakakakita kay Gunner ang makisig nitong pangangatawan. Gusto niyang panatilihin ang kisig at kaguwapohan niya. Pagkatapos niyang magbihis ay kinuha niya sa ibabaw ng side table niya ang kanyang cellphone, susi ng kotse niya at ang energy drink na binigay sa kanya ni Faizah.
Lumabas na si Gunner ng kanyang kuwarto. Pagkalabas niya sa bahay niya ay agad siyang sumakay sa kanyang blue sport car at nagsimula na siyang mag-drive papunta sa Malawi compound para kausapin ang gag*ng si Jagger.
Habang nasa biyahe ay nakaramdam si Gunner ng pagka-uhaw kaya naman kinuha niya ang energy drink na binigay sa kanya ni Faizah. Sa sobrang pagkauhaw niya ay naubos niya ang laman ng bote. Binuksan niya ang bintana ng kotse niya at itinapon niya sa labas ang walang laman na bote . Napatingin siya sa passenger seat kung saan nakalagay ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at tinawagan niya si Zenon.
"Hello dude?" _ Gunner.
"Dude don't tell me tumuloy ka pa sa Malawi Compound?" _ Zenon.
"Oo naman para matapos na ang kagag*han ni Jagger. Punong-puno na ako sa kaartehan niya!" _ Gunner.
"Hintayin mo kami ni Pierce, sa may b****a ng Malawi Compound. Wag kang papasok na mag-isa roon. Alam mo naman delikado roon. Lalo na ikaw ang gang leader ng Blue Flynns." _ Zenon.
"Tsk! Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko. At lalong kaya ko ang mga miyembro ng Black Tiger Gang." _ Gunner.
Hindi na hinintay pa ni Gunner, na sumagot ang kanyang kaibigan na si Zenon. Pinatay na niya agad ang kanyang cellphone. Napakunot noo na lang siya dahil nakaramdam siya ng init sa katawan sa kanyang katawan. Nilakasan niya ang aircon ng kanyang kotse para malamigan siya dahil na rin sa kanyang nararamdaman na init sa kanyang katawan.
Nagpatuloy lang si Gunner sa pag-drive hanggang makarating na siya sa b****a ng Malawi Compound. Napamura na lang siya sa kanyang sarili dahil kahit na sobrang lakas ng buga ng aircon ay pinagpawisan pa rin siya. At lalong umiinit ang kanyang buong katawan.
Hindi pangkaraniwang init ang nararamdaman ni Gunner ngayon. Ang init na nararamdaman niya ngayon ay parang gusto niyang makipagtalik na hindi niya maintindihan. Napaisip siya na baka l dahil kanina na nabitin siya sa pakikipagtalik kay Faizah dahil na rin hindi siya nakapagpalabas.
Gamit ang kanang kamay ni Gunner ay binuksan niya ang dalawang butones ng kanyang suot na sky blue na polo. Napapahigpit ang kanyang hawak sa manubela ng kanyang kotse dahil sa kanyang nararamdaman na kakaibang init ng kanyang katawan.
Bigla naalala ni Gunner na hindi pala niya alam kung saan bahagi ng Malawi Compound matatagpuan si Jagger? Ayaw naman niyang tawagin ang kanyang dalawang kaibigan para itanong kung saan banda ang kuta ni Jagger? Siguradi siyang pagsasabihan lang siya ng mga ito.
Napamura na naman si Gunner sa kanyang sarili dahil hindi siya makapag-focus sa pagdri-drive dahil lalo siyang naiinitan at pinagpapawisan. Medyo hinahabol niya ang kanyang hininga na parang pagod na pagod siya.
Lalong uminit ang dumadaloy sa kanyang katawan dahilan para mabuhay ang kanyang matabang alaga sa loob ng suot niyang white slack pants. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung ano ba ang nangyayari sa kanya? Napahawak na lang siya sa kanyang harapan at ramdam na ramdam niya sa kanyang kamay ang katigasan ng kanyang b*rat.
Sa pagmamaneho ng kotse ni Gunner ay meron siyang nakita na isang matangkad na lalaking nakatambay sa ilalim ng poste ng ilaw. Itinabi niya muna ang kanyang kotse sa mismong harapan ng lalaki. Ibinaba na muna niya ang bintana ng kanyang kotse at tinawag niya ang pansin ng isang binatang nakatayo sa ilalim ng ilaw ng poste.
"Bata!" tawag pansin ni Gunner.
"Sir! Ano iyon?" masayang tanong ni Raddix.
Sa tagal-tagal na paghihintay ni Raddix. Sa ilalim ng ilaw ng posteng kinatatayuan niya malapit sa huling kanto ng Malawi Compound ay meron din humintong isang mamahalin na kotse na kulay asul.
Nakita ni Raddix na ibinaba nito ang bintana ng kotse at isang napakaguwapo at malakas ang s*x appeal na lalaki ang nakita niya. Tinawag siya nito kaya agad siyang lumapit sa guwapong lalaki. Sa paglapit niya sa lalaki ay parang maghawig ito kay Calum.
"Sir Ano po kailangan ninyo?" ngiting tanong ni Raddix.
Hindi na hinintay pa ni Raddix, na sumagot ang chinitong lalaking nasa loob ng kotse. Mabilis ang lakad niya papunta sa passenger seat at nagpapasalamat siya dahil hindi ito naka-lock. Agad niyang binuksan iyon at isang malawak na ngiti ang nasa guwapong mukha niya habang nakaupo siya sa passenger seat. Tinignan niya ang chinitong lalaking nasa driver seat na nakakunot noo nakatingin sa kanya.
"Sino nagsabing pumasok ka sa loob ng kotse ko?" kunot noo tanong ni Gunner.
Nagulat si Gunner, dahil bigla na lang pumasok sa loob ng kotse niya ang binatang lalaki. Lalo siyang napakunot noo dahil ang lawak-lawak ng ngiti nito habang nakatingin sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit napalunok siya ng laway habang nakatingin siya sa binatang lalaki. Parang hindi yata tamang sabihin ang binata ang tawag niya sa lalaking kasama niya. Dahil parang magkasingedad lang silang dalawa?
"Ok lang 'yan sir. Relax lang kayo. Ako na ang bahala. Ako nga pala si Raddix." ngiting sabi ni Raddix.
Unang tingin pa lang ni Raddix, sa chinitong lalaki ay alam na niyang first timer ito. Dahil nagtataka pa ito kung bakit siya biglang pumasok sa loob ng kotse nito. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa guwapong mukha nito. Napalanghap na lang siya sa sobrang bango ng amoy ng loob ng kotse nito. Lalaking-lalaki at amoy yaman.
"Anong pinagsasabi mo? Gusto ko lang itanong kung kilala mo ba si Jagger? At kung saan ito matatagpuan?" seryosong tanong ni Gunner.
Parang lalong umiinit ang buong katawan ni Gunner, habang nakatingin siya sa guwapong lalaki. Hindi niya maiwasan na mapatingin sa katawan nito. Kahit na medyo madilim sa kotse at ang ilaw sa poste sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng kotse niya. Kitang-kita niya na hindi nalalayo ang matipunong katawan niya sa katawan ng lalaki. Nakasuot lang ito ng isang simpleng polo shirt at maong na kupas.
"S-si Jagger? Oo kilala ko si Jagger. Ang leader ng Black Tiger Gang. Alam ko rin kung saan siya matatagpuan. Samahan ko na kayo sir. Ano pala ang pangalan mo sir?" ngiting sabi ni Raddix.
Ginagamit ni Raddix, ang lahat ng makakaya niya para lang mahulog sa kanya ang matipunong chinito. Kailangan na kailangan niya ng malaking pera ngayon gabi para may panggastos sila sa hospital. Hindi sapat ang nakuha niya galing kay Sir Hector. Kinapalan talaga niya ang mukha niya para i-booking siya nito.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Hmm… Base sa kuwento mo ay akala ni Raddix, ay naghahanap ka ng callboy? Tama ba?" seryosong tanong ni Pierce.
Pinipigilan ni Pierce na matawa siya sa kuwento sa kanila ni Gunner. Dahil napagkamalan talaga ni Raddix si Gunner na naghahanap ng callboy. Marami pa siyang gustong itanong sa kanyang kaibigan.
"O-oo," maikling tugon ni Gunner.
Hinding-hindi talaga makakalimutan ni Gunner ang gabi na iyon ng una niyang makita si Raddix. Nagpapasalamat siya na pumunta siya sa Malawi Compound sa gabi na iyon.
"Iyon lang ba ang nangyari?" biglang tanong ni Zenon.
Lihim na lang napapangisi si Zenon sa kinukuwento sa kanila ni Gunner. Gusto pa rin niya malaman kung ano pa ang nangyari sa gabing iyon.
"Hindi pa ba sapat iyon?" kunot noo tanong ni Gunner.
"Syempre impossible na ganun lang iyon dude," ngising sabi ni Zenon.
"Tama si Zenon, dude. Siguradong hindi lang iyon nagtatapos ang kuwento mo sa unang pagkikita ninyo ni Raddix," ngising sabi ni Pierce.
"Tangin* ninyo! Malapit na pala tayo," sabi ni Gunner.
Nagpapasalamat talaga si Gunner na malapit na sila sa Zaltra Tower at hindi nga nagtagal ay nakarating na sila sa parking lot ng Zaltra Tower. Ayaw na niyang ikuwento pa sa mga kaibigan niya ang mga nangyari sa kanila ni Raddix. Sa kanya na lang iyon for privacy.
Agad na bumaba si Gunner sa kotse upang pumunta sa may elevator paakyat sa 5th floor kung saan nandoob ang condo unit ni Calum. Kahit na hindi pa siya nakakapunta sa condo unit ng kanyang pinsan ay alam niya kung anong floor at unit number ang condo unit ni Calum.
Naririnig lang ni Gunner ang usapan nila Calum at ng kanyang mga magulang tungkol sa condo unit nito. Kaya nalaman niya kung saan condo unit ng kanyang pinsan.