Anak Ng Callboy II Chapter 51 "Kamusta ang pakiramdam mo Gunner," pag-aalalang tanong ni Raddix. Kakatapos lang kumain ni Raddix kasama sila Jagger at Gunner. Nakaligo na rin siya pati na rin si Gunner. Nagpapasalamat talaga siya kay Jagger dahil pinahiram sila ng maisusuot nito. Suot ni Raddix ang isang plain white tshirt at isang boxer short. Dito lang naman siya sa loob bahay at silang tatlo lang naman ang nandito sa loob ng bahay. Nakausap na rin ni Raddix ang kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus. Nakiusap ito na pumunta sa chapel kung sa saan nakaburol ang kanilang ama. Hindi na siya nagdalawang isip na payagan ito at buti na lang ay sinamahan siya ni Perzeus. "Masasabi kong maayos-ayos na ako. Pasensya na talaga sa abala Raddix, hindi ko naman intensyon na mag-alala ka

