Anak Ng Callboy II Chapter 64 "Bak… Hayes, buti kasama mo si Gael?" gulat na tanong ni Amir. Habang abalang nakikipagkuwentuhan si Amir ay napansin niya na paparating si Hayes kasama ang kapatid nitong lalaki na si Hayes sa kinaroroonan nila. Lalo siyang napakunot noo ng mapansin niya ang nasa likuran ng mga ito. Parang familiar ang mukha ng isang matangkad na lalaking nakasuot ng white hoodie. "Tumakas siya," ngising tugon ni Hayes. Ipinakilala ni Hayes si Gael sa mga kaibigan niyang sila Amir, Nixon at Carlos. Ipinakilala rin niya ito kina Jamison, Doctor Boris at SPO2 Raven Santos. "Hi! Guys!" masayang sabi ni Gael. Ito ang unang pagkakataon ni Gael na makita ng personal at makilala ang mga kaibigan ng kanyahg Kuya Hayes. Natutuwa siya dahil ipinakilala na siya nito. Ilan

