KABANATA 38 PAGOD NA NAPASANDAL si Elijah sa pinto ng opisina ng doktor na may hawak kay Isiah. Ipinagpaalam na niya ang pag-alis nila papuntang Hacienda Eleazar at ikinalulungkot man ng doktor ay pumayag din ito. Sinabihan siya na magpakatatag na lamang siya para kay Isiah dahil iyon na lamang ang tanging magagawa niya. Kahit sa katotohanan ay parang unti-unti na rin siyang pinapatay ng sakit sa kaniyang dibdib. "Sorry, Elijah. You have to be strong, because anytime, maaari nang sumuko si Isiah." Muntik na siyang mapaluhod sa kaniyang kinatatayuan nang maalala ang sinabi ng doktor. Anytime. Yes, anytime. It could be next week, this week, tomorrow, or maybe later. Tila pinipiga ang puso niya. Ayaw niyang sundin ang hiling ni Isiah pero kailangan. Ang mapasaya ito kahit sa huling sandali

