KABANATA 21 NANG MAKABAWI SA pagkagulat ay napangiti si Isiah pagkatapos ay marahang hinaplos ang likuran ni Jane. Iginiya niya ang dalaga papasok sa loob ng condo at hinainan din ito ng makakain. Ani kasi nito ay dumiretso raw kaagad ito dito at pinahatid na lamang sa PA nito ang mga kagamitan nito sa kanilang bahay. Napag-alaman niya na galing din pala ito sa overseas work kasama ni Arah at tinapos daw kaagad nito lahat ng sariling project dahil nalaman din nito ang nangyari sa kanila sa Lanao. Nais din nga raw nito sumama kay Arah na umuwi kaagad, pero si Arah lang daw ang pinayagan. "I was very worried you know? Buti na lamang at walang nangyari sa inyo na masama?" tanong nito habang kumakain na sa harap ni Isiah. Tipid na ngumiti si Isiah dito at pasimpleng pinasok ang kaniyang do

