Carrying some bouquet of flowers and a bottle of the best champagne, pumasok ako sa building ng BookGeek at dumiretso agad ako sa office ng aking editor. Nadatnan ko naman siya doon na kaharap ang kanyang laptop, kaya kumatok ako sa kanyaang glass door. Nang lumingon siya saakin, kumaway ako sa kanya at sinenyasan niya ako na pumasok. Tumayo siya at dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. “Congratulations, Gayle!” masaya kong bati sa kanya at binigay ko sa kanya ang bulaklak. Nabalitaan ko kasi na siya ang binoto ng lahat na pumalit pansamantala sa pwesto ni Niklaus habang nasa Amerika ito. She deserves it anyway at masaya ako at siya ang pinili ng board na pamahalaan muna ang Bookgeek Publishing House. “Masaya ako para sa’yo.” “Thank you, my next big writer star!” tuwa niyang sabi a

