Neesha’s POV Agad kong sinalubong ang aking ina nang makita ko na siyang dumating. Pumunta kasi ito sa book signing ng bwisit kong stepsister. Kinulit ko talaga siya na pumunta roon para makita kung kumusta na ito. Nakakainis lang, kasi after na ma-released ang so-called book niya, sold out na ito kaagad at hanggang ngayon ay marami pang bumibili. Everyone is talking about her, pati sa social media ay lecheng book at siya na lang ang bida. Mas marami pa siyang interviews na ginawa kaysa sa akin, at ngayon nabalitaan ko pa na magto-tour siya sa kanyang book signing this upcoming week! Sumusobra na ang babaeng ‘yon! What’s special about her book anyway, ni hindi ko nga maintindihan! Isa pang kinaiinisan ko ay nakita ko ang book niya sa desk ni Dia nang bisitahin ko siya sa kanyang office.

