"Alam n'yo pinag lalaruan n'yo na lang kami ni Trigger." ani Jupiter habang nasa ladies room sila at nag reretouch ng make-up. "Ano ka ba pag bigyan mo na si Jordan, mukhang pinag lilihihan si Trigger." ani Kinsley na tinutuluyan ang kaibigan na alisin ang pag kakapusod ng buhok ito at ilugay. "Oh! Si Trigger pala ang pinag lilihan anong kinalaman ko bakit kailangan kasali pa ako." reklamo pa rin ni Jupiter. "E kasi na sisiraan lang naman ng ulo si Trigger pag dating sa'yo, kung ano anong kalokohan ang na iisip mag papansin lang sa'yo." napabuga ang hangin si Jupiter. "Ano bang gagawin ko?" "This time ikaw naman ang lumandi sa kanya tingnan natin kung paano s'ya mag rereact pero s'yempre joke lang pero depende rin s'yo kung gusto mong seryosohin." tumikwas naman ang nguso ni Jupiter.

