Muli akong bumaling kay Hati. Ang kakalmahang nararamdaman ko kanina ay muli na namang nagwala. Bakit nga ba ako hihingi ng tawad? Mukha ngang pabor sa kanya na hindi ko siya pinapansin! “Hang on, lalabas lang ako ng kwarto.” Napatingin sa akin si Hati kaya’t mabilis pa sa kidlat akong nag-iwas sa kanya. Lalabas siya ng silid upang hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan ni Anastasia? Go on! Wala akong pakealam. Maglandian sila hanggang mamuti ang uwak! Lumabas nga ng kwarto si Hati. Nagwawala ang puso ko dahil sa matinding galit na nararamdaman ko ngayon. Hindi naman halatang masaya siyang tumawag si Anastasia, ‘no? Talagang nagmamadali! Nagmartsa ako papalapit sa maleta ko at kaagad naghanap ng damit pang-night out. Magpakaabala siya sa babaeng iyon. The hell I care! Aabalahin ko

