May lumapit sa aming mga pulis na sa tingin ko ay makakapagbigay sa amin ng detalye sa kung anong nangyari kay Tito Vince nang bigla may pabalang na pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan namin. “Anong nangyari kay Vince?!” Galit si Tito Javier. Iyon lamang ang masasabi ko ekspresyong nakita ko sa kanyang mukha. Galit na galit ito na kung ihaharap mo ang pumatay kay Tito Vince ay mapapatay niya rin. Huminga nang malalim si Tito Santi at tinapik ang balikat namin bago lumapit sa nakatatandang kapatid upang pakalmahin iyon. Si Dad at Tito Lucio naman ay nasa likod ni Tito Javier. Mukha mang kalmado ang dalawa ay sapat na ang mga emosyon sa mata nila upang masabi mo na isang kalabit na lamang ay sasabog na rin sila sa galit. Sa tingin ko ay dahil mas naunahan lang ni Tito Javier na sum

