“Hi, Hati!” Pumasok si Sera sa aking opisina at binati ako. Tiningnan ko lamang naman siya habang ito’y ngiting-ngiti sa akin. It’s almost four years…mag-aapat na taon na pero wala pa rin akong nakikitang Adira. Hindi ko alam kung sinasabihan siya ni Averie sa tuwing umaalis ako ng bansa para makapagtago rin kung saan man. “Naandito ka pala sa bansa, Sera? Nasaan ang asawa mo?” tanong ko sa kanya habang siya nama’y naglalakad papalapit sa akin. Naupo si Sera sa isang silya sa harapan ng desk ng opisina ko bago ngumiti muli sa akin. “May business lang siyang pinuntahan malapit dito. I have free time, so I visited you. Sandali lang namin kami dahil kailangan din naming pumunta ng Switzerland mamaya.” Ngumiti siya sa aking muli. Naalala ko noong tinanong ko si Sera bakit niya piniling

