Nakita ko ang pag-iiba ng ngiti ni Adira but she maintained her smile, professionally. Ang laki na ng pinagbago niya. Hindi ako maaaring magkamali na siya iyong babaeng nakita ko noon. If I thought she was attractive four years ago, ngayon masasabi kong she grew beautifully. Para siyang isang rosas na namukadkad at mas naging maganda kaysa noong bata pa ito at hindi pa namumukadkad nang lubusan. Ang kanyang kulot na ngayong buhok ay sumusunod sa bawat paggalaw ng kanyang ulo. “A-Adira…hindi ko alam na parte ka ng proyektong ito. H-How are you?” Bakas sa boses ni Averie ang pagkabigla at ang kaba. Siguro’y hindi niya talaga alam na naririto si Adira ngayon. Bumaling sa kanya si Adira. “Kailangan ba alam mo?” Napalingon ako kay Averie at kulang na lang ay ibusangot niya ang mukha niya d

