Nagulat si la Gareth at Justine ng biglang umupo sa pagitan nila si Xianthel,buong akala nila ay mahimbing na itong natutulog kaya't hindi na nila ito tinawag ng yayain sila ng mga bagong dating na campers para magjamming.
"Oh Xianthel! gising kapa pala?" gulat na wika ni Justine sa dalaga.
"Hindi tulog ako,kaya nga ako nandito diba?" sarkastikong tugon ng dalaga.
"Barak, gusto mo na bang kumain?hindi kapa naghahapunan," wika naman ni Gareth, napansin naman ni Xianthel na nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanya.
"Busog ako, sarap na nga ng tulog ko,kaya lang biglang umingay," ani Cianthel sabay dampot ng beer at agad itong tinungga.
"Sorry mam,by the way I'm Anthonette," pakilala ng isa sa mga campers sabay lahad ng kamay nito.
"Xianthel," tugon ng dalaga na tumango lang at hindi inabot ang pakikipagkamay nito. Isa- isa ding nagpakilala ang iba pang campers na tinanguan lang din ni Xianthel.
"Barak pakinggan mo si Anthonette,ang galing nya ding kumanta," nakqngiting wika ni Gareth na nakatitig pa sa mukha ni Anthonette.
"Ay grabe, nakqkahiya naman," anang dalaga na bahagya pang nagyuko ng ulo.
"Sige na! sampolan mo na si Xianthel, vocalist din yan," wika pa ni Gareth. Bahagya namang sumimangot si Xianthel.
"Wow,fan na fan agad," ani Xianthel pero sa isip lang naman,hindi nya maisatinig ito, napansin nya kasi na yangang hanga dito ang best friend nya.
"Talaga? vocalist ka din? anong band mo?" tanong ni Anthonette.
"Sus, nagpapaniwala ka naman kay Gareth,imahinasyon nya lang yon," tugon ni Xianthel.
"Parinig naman!" kantyaw ng iba pang campers.
"Teka, si Anthonette ang pinapakanta dito bakit biglang nabaling saken,kagigising ko lang boses baka pako," tanggi naman ni Xianthel,sa isip nya feeling close naman ang mga 'to,ngayun lang nya nakaharap kung makakantyaw na.
"Sige duet na lang tayo para walang lamangan," wika naman ni Anthonette.
"Aba't hinahamon ako ng malditang to ah!" bulong na naman sa sarili ni Xianthel, kaya naman nagdesisyon itong pumayag,alangan naman magpaintimidate sya sa mga estrangherong kaharap nya.
"Sige umpisahan mo," tugon naman ni Xianthel.
"Anong gusto mong kantahin?" tanong naman ni Anthonette na ikinataas ng kilay ni Xianthel.
If you could see me now....
Umposa pq lang ng pag awit ni Anthonette ay napikit na si Cianthel, napakagandang pagkakataon naman na isa sa paborito niyang kanta ang napili nito, Loving Arms.May kakaibang pakiramdam na hindi maipaliwanag ng dalaga.
Lying in your loving arms again...
Tapos ba ang huling linya ng kanta ay wala pading makapagsalita sa kanilang lahat, napakaganda ng pagkaka awit ng dalawa,parang nagpractice.Sabay 9ang ngumiti ang dalawang dalaga matapos silang kumanta.
"Woooohooooo!!!! that was awesome!" napapapalakpak pang sigaw ni Justine na tila naman nagpabalik sa wisyo ng lahat dahil literal na natulala ang mga ito at sabay sabay ding nagsipalakpak ang mga ito.
"Ang ganda ng blending nyo grabe! swak na swak!" palatak naman ni Gareth.
"Naks! parekoy, nagbabagong buhay ka na ba?" ani Xianthel sabay hampas sa balikat ng binata.
"Ang galing mo Xiantel," puri ni Anthonette, hindi naman malaman ni Xianthel bakit pakiramdam nya kinilig sya sa papuri nito, para ngang nag init ang pisngo nya lalo ng ngitian sya at lumabas pa ang malalim nitong biloy.
"Sus! mas magaling ka," tugon ni Xianthel,himala hindi niya binara ito.
"Lasing ka na ata Barak," bulong ni Gareth.
"Ako pa ba parekoy? kailan ako nalasing?" tugon ni Xianthel na halos pabulong din,pero hindi tumitingin kay Gareth.Kay Anthonette pa din nakatuon ang kanyang atensyon.
"Namumula ka na Barak, saka ang bait mo bigla kay Anthonette," muling bulong ni Gareth," Crush mo ba?" dagdag pa nito sabay tawa.
"G^g*!" ani Xianthel sabay batok dito.
"Pikon talo!" muling kantyaw ni Gareth, mabuti na lamang at hindi sila nadisinig ng ibang kaharap dahil sa paggigitara ni Brix, isa sa mga kasama ni Anthonette.
"Ikaw ang lasing parekoy! lumalala na din topak mo!" ani Xianthel.
Halos maguumaga na din ng magsipasok sa kanikaniyang tent ang lahat,masyadong nag enjoy si Xianthel kaya't nawala na din sa isip niya ang planong sirain ang gabi nila Justine at Gareth. lNaghihilik na ang dalawa niyang kasama sa tent ay hindi padin makatulog si Xianthel, hindi naman sila masikip na tatlo,malaki ang pinili nilang rentahang tent dahil okey lang naman sa kanyang kasama ang magpinsan sa pagtulog,lalo na si Gareth na madalas din namang makitulog sa kwarto ni Xianthel lalo kung tinatamad itong umuwi sa bahay nila bagamat hindi naman kalayuan.Nang tingnan ni Cianthel ang oras ay magaalas - singko na pala ng umaga,agad itong bumalikwas at lumabas ng tent,ayaw niyang mamiss ang pagsikat ng araw,iyon naman talaga ang ipinunta niya sa bundok.Hindi na niya ginising ang magpinsan,alam naman niyang magsasayang lang siya ng oras.
" Ang ganda diba?" napapitlag naman si Xianthel ng biglang may magsalita sa tabi nya, si Anthonette ang kanyang nalingunan.
"Yeah! aga mo namang nagising," tugon ni Xianthel na hindi nililingon ang kausap.
"I don't want to miss this magical scenery," tugon ni Anthonette na halata ang paghanga sa nakikitang kagandahan.
"Same here, pero sa totoo lang mas gusto ko ang sunset," ani Xianthel.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Anthonette.
"For me sunset means calmness, after a long tiring day it's time to stop for a while ,take a deep breath,tap your shoulder and say,you survived a day," mahabang sagot ni Xianthel.
"May point,peeo diba mas magandang isipin yung sunrise,new beggining,looking forward for a brand new day,brightee day," wika naman ni Anthonette.
"But I chose to turn darkness to a new hope,since you survived a day,for sure you will survive tomorrow,masarap matulog ng alam mong may naaccomplish ka," wika ni Xianthel.
"You relly think the other way around," si Anthonette.
"Im not into the usual, hindi dahil mas maraming may ganung thinking ganun na din ako,syempre kung saan ako komportable at masaya," ani Cianthel.
"Kahit may masaktan?"
"Hindi ko responsibilidad ang kaligayahan ng iba,it's our choice to live in pain or just bear it while moving forward." katwiran ni Xianthel
"That's selfish! ang heartless mo naman," ani Anthonette.
"Hindi ah, alangan pag merong malungkot at nasasaktan,kailangan we all feel the same,kanya kanyang choice yan," ani Xianthel,himala na hindi siya napipikon kahit sinasalungat ni Anthonette lahat ng sabihin niya.
"Pero syempre kailangan nating maging sensitive sa feelings ng kapwa naten," wika pa ni Anthonette.
"Pero hindi kailangang lagi kang nakikisimpatya,madalas kasi hindi naman iyon ang kailangan ng mga taong nasasaktan emotionally, for me ang kailangan nila batok o sampal para matauhan! hindi naman lahat ng nasasaktan naagrabyado,madalas hindi kasi nasunid ang inaasahan nilang mangyari kaya akala na nila pinagmalupitan sila ng tadhana," mahabang paliwanag ni alXianthel.
"Savage ka palang magmahal," ani Anthonette pero sa kabilang banda ay naaamaze naman siya sa thinking ni Xianthel.
"Totoo naman eh, hindi porke may umiiyak kailangan mo ng amuin at patahanin,pwede namang turuan mong lumaban habang umiiyak," ani Xianthel.
"You're unbelievable," naiiling nalang na wika ni Anthonette.
"Sus! human nature lang talaga ang indenial of truth specially when it hurts," natatawang 0ahayag ni Xianthel.
"That make sense." natatawa na ding tugon ni Anthonette.