Nagngingitngit ang kalooban ni Xianthel,at naiinis siya sa sarili dahil sa kanyang nararamdaman, parang pinipiga ang puso niya habang natatanaw qng mga nagaganap sa restobar. Maraming tao dahil weekend subalit sa isang lamesa lang nakatuon ang kanyang atensyon, asikasong asikaso ni Gareth si Anthonette, tuwing matatapps ang set nito ay diretso agad sa table ni Gareth paglababa ng stage.
"Selos na selos ka ano!" anang isang bahagi ng isip ni Xianthel, oo aaminin niya na nagseselos nga siya,0ero iyon ay dahil nasanay lang siya na palaging siya ang inaasikaso at inaalagaan ni Gareth. At wala naman siyang magagawa, magkaibigan lang sila,matalik na magkaibigan.
"At mula pagkabata ay magkaibigan na kami ni Gareth, kaya hindi ako makakapayag na maetsapwera sa buhay nya ng ganun na lang," bulong ni Xianthel sa sarili.
Agaditong tumayo at lumabas ng opisina, kumuha ng drinks sa bar at dumiretso sa table nila Gareth at Justine.
"Hi Cianthel! akala ko hindi ka na bababa dito," ani Justine, ng tanungin kasi niya ang pinsan ay sinabi nitong nasa taas ang dalaga at ayaw magpaistorbo.
"Bakit? ayaw mo ba?" angil agad ni Xianthel.
"No! of course not, buti nga andito ka na,I'm out of place here," ani Justine sabay baling ng tingin kina Anthonette at Garerh na halatang abala sa isa't isa kaya hindi man lang binigyang pansin ang pasaring ng binata.
Sunod sunod na tinungga ni Xianthel ang laman ng hawak niyang baso, gusto niyang magpakalunod sa alak, dahil pinipigilan niyang makapanakit,kanina pa niya gustong hilahin ang buhok ni Anthonette.
"Xianthel isang kanta naman jan!" wika ni Lance.
"Sus! ayan ang singee nyo oh! andito yan para kumanta hindi para makitable, bawal itable ang babae dito," inis na tugon ni Xianthel. Tila naman napahiya si Anthinette at nagyuko ng ulo, hindi naman nagustuhan ni Gareth ang sinabi niya.
"Xianthel! katatapos lang ng set nila kaya andito si Anthonette, ano bang problema mo bakit ganyan kang magsalita?" pagtayanggol ni Gareth sa dalaga.
"Wow! sorry ha,trabaho ko kasing bantayan itong business namin parq hindi magkaron ng problema," sarkastikong tugon ni Xianthel.
"Sorry, sa deessing room nalang muna ako, " nahihiyang wika naman ni Anthonette at tumayo na ito para bumalik sa dressing room.
"Tsk! pavictim," bulong ni Xianthel.
"Bakit ang mean mo? para ka namang hindi tropa!" inis na wika ni Gareth.
"Ttopa? sino yung babaing yon? kailan pa kami naging tropa? besides anong sasabihin ng ibang employee, na may palakasan dito,pag tropa ko pwede ng hindi sumunod sa rules?" ani Xianthel kay Gareth.
"Bakit kailan pa pumalag ang mga tao sayo? napakaliit na bagay hindi mo pa mapalampas," katwiran padin ni Gareth.
"Kailan ka pa naging abogado ni Anthonette?" si Xianthel.
"Ang lakas talaga ng topak mo ngayon, akalq ko pa naman tutulungan mo ako kay Anthonette," ani Gareth.
"Hey! hey! stop fighting guys!" awat ni Justine.
"May tamang lugar at oras para dyan parekoy," ani Xianthel.
"Alam mo namang pag weekend lang nandito si Anthonette, saka kawawa naman yung tao,itinuturing ka ng kaibigan tapos employee pala tingin mo sa kanya," ani pa ni Gareth.
"Hindi pa kami close." kibit bqlikqt lang na tugon ni Xianthel.Napapailing na lamang na tumayo si Gareth at naglakad patungo sa dressing room.
"Are you jealous of Anthonette?" tanong ni Justine,para namang nasamid si Xianthel at tila naumid ang dila kaya hindi agad nakasagit.
"What? me jealous? in your dreams!" tugon ni Xianthel ng makahagilap ng isasagot,ngunit hindi naman ito makatingin kay Justine.
"You're jealous,it's too obvious Xianthel." nakangiting wika ni Justine.
"Whatever!" Xianthel rolled her eyes, wala sya sa kundisyong makipagtalo, himala nga ng langit,si Xianthel Xavier naubusan ng katwiran .
"An,pasensya ka na kay Xianthel ha,me topal lang yun ngayon," ani Gareth.
"Ano kaba,okay lang yun, tama naman sya," nakangiting tugon ni Xianthel.
"Kahit na,hindi ka nya dapat ipahiya, hindi naman ganyan yan eh,ewan ko ba kay barak bakit may toyo na naman," ani Gareth sabay buntong hininga.
"Baka may problema lang,hayaan mo na kasi, magkakasundo din kami ni Xianthel," nakangiting tugon ni Anthonette.
Lingid sa dalawa ay nasa labas lang ng dressing room, Magsosorry na sana sta kay Anthonette,oero nagbago na ang isip noya,ewan ba niya pero wala siyang maramdamang sinseridad sa tinig ni Anthonette habang nagsasalita ito.
"Kunwari ka pang pinagtatanggol ako,lalo mo lang akong pinagmumukang kontrabida sa paningin ni Gareth," bulong ni Xianthel sa sarili.
Agad naglakad papalayo ng dressing room si Xianthel subalit bago iyon ay sinipa muna nita ang pinto, Xianthel's nature, na ikinagulat naman nila Anthonette at Gareth.
"Ano yun?" gulat na wika ni Anthonette at napalingon ito sa pinto ng makarinig ng malakas na pagkalabog.Agad naman tumayo si Gareth at sinilip ang labas,napailing na lang ito ng mahagip ng paningin ang papalayong si Xianthel.
"Tsk! may dumaang leon," napapailing pa ring wika ni Garrth, sanay na siya sa pagka watftrak ni Xianthel lalo at mainit ulo nito, wala lang siyang maisip na posibleng dahilan ng sumpong niyon.
"Leon? may lion ba dito?" nagtataka naman at hindi makapaniwalang tugon ni Anthonette.
"Oo, mabagsik at may topak na leon kaya mag iingat ka,baka masakmal ka," ani Gareth.
"Pinagloloko mo naman ako eh," nakangiting wika ni Anthonette.
"Hindi ah, mabagsik na leon nga yon,walang nakakapagpaamo dun, bigla na lang nag aalboroto ng walang dahilan," pagbibiro pa din ni Gareth.
"Loko ka talaga, lumabas ka na nga,baka mamaya mqpagalitan na naman ako,
bawal outsider dito sa dressing room.," pagtataboy ni Anthonette sa binata.
"Sinong magagalit? umalis na yung leon," tugon ni Gareth.
"Yung leon? don't tell me si Xianthel ang leon dito?" ani ng dalaga.
"Mismo!" nakangiting tugon ni Gareth.
"Ikaw talaga,madinig ka no'n loko!" ani naman ni Anthonette.
"Mabait naman ang best friend ko,kapag walang topak,bihira nga lang," wika pa ni Gareth bago lumabas ng dressing room.
"Bro,how's Anthonette?" tanong ni Justine sa pinsan ng makabalik ito sa table nila.
" Okay naman, you know Anthonette is the kindest, sobrang pasensyosa," tugon naman ni Gareth na ikinataas ng kilay ni Xianthel.
"Talaga lang ha,ioang araw palang nakakasama kilalang kilala mo na," sabat naman ni Xianthel.
"Bakit ba ang init ng dugo mo dun sa tao, wala namang ginagawang masama sa:yo," kunot noong tugon ni Gareth.
"Sa ngayon wala pa,malay ko ba!" oaswal na tugon ni Xianthel habang umiinom.
"Ang laki ng problema mo, hindi ka naman judgemental, may issue ka ba kay Anthonette?" tanong binata, para namang nasukol si Xianthel,meron nga ba?
"Tsk! ang bikis mo lang kasing mafall," ani Xianthel sabay walk out.
"Problema non?" nagtatakang baling ni Gardth kay Justine, kibit balikat lang naman ang itinugon nito sa pinsan.