Gabriela POV Narinig ko ang tunog ng alarm clock sa tabi, pagdilat ko ay nakita ko si Dom na bumangon na. “Ang aga pa, saan ka pupunta?” tanong ko habang nagkukusot ng mata. “I have some business to attend to with Vincent and Carlo.” “Ganito talaga kaaga?” “Yes,” sagot niya naman. Sinara ko ulit ang mata ko at umikot sa kabilang side. Iniisip ko kung anong klaseng business ang gagawin niya ng ala-sais ng umaga. Narinig ko ang pagbukas niya ng shower, pagkatapos ay naramdaman ko ang paglabas niya ng banyo para magbihis. Naamoy ko rin ang perfume niya na gustong-gusto ko talaga ang amoy. Pagkatapos ay naramdaman ko rin na lumapit siya sa nightstand katabi ng kama namin para kunin ang mga gamit niya. Paalis na dapat siya pero natigil siya nang tawagin ko siya. “Dom?” “Hey.” “Ayos ka

