Favor "Hilig mo talaga ang umalis nang walang paalam, ano?" Jess sarcastically sneered from the other line. Umaga pa lang ngunit mainit na agad ang ulo niya. Dumapo ang mata ko sa naka-loudspeaker na phone sa lamesa na animo'y makikita ko roon ang iritadong mukha ni Jess kahit hindi naman talaga. Saglit na natigil ang pagtutuyo ko ng buhok gamit ang blower bago kalaunan ay nagpatuloy. "Sorry.." I sighed. Kahit hindi ko siya kaharap ay malakas ang pakiramdam kong napapairap lang siya sa paghingi ko ng tawad ngayon. "Gaga. Stop saying sorry if you'll just repeat the same mistake over and over again. That doesn't make sense," "I know.." buntong-hininga ko. "I just don't know what else to say. I honestly just wanna apologize for making you guys worry again," Sa malumbay kong tono ay pan

