No plans "Dance floor lang ako!" Binawi ni Luke ang tingin sa babaeng kaakbay niya at itinuon sa akin. Tumango siya nang tipid at mataman akong tinignan. "You still sober?" I chuckled. "Of course, Luke.." "Alright. Nandun din sila Polly... Don't go anywhere far from them," Tinawanan ko lang ang sinabi niya ngunit sinaway niya ako at sinabing seryoso siya. Napailing-iling na lang ako habang may ngisi pa rin sa labi bago iniwan ang lamesa bitbit ang mga paalala ni Luke. Seriously, since when did he start becoming so protective? I lost track. Dumagundong ang malakas na EDM remix sa lugar. A smile slowly plastered on my lips as I started to get lost in the music. My body began to move freely according to the rhythm of the song. Kusang pumikit ang mga mata ko habang dinadama ang tugtug

