Purest
The air between us was never the same again after that.
Or atleast for me. That was entirely the case for me.
Parang gusto ko tuloy bawiin ang mga sinabi ko. That was way beyond the line. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at bigla akong naging sentimental kanina.
I mean... who am I even to him for me to say such heartfelt words? We're barely acquaintances who are only associated in bed.
Miski ang paraan ng pagkakasabi ko ng mga salita ay nakakahiya tuwing naaalala ko ngayon. Masyadong malamyos at puno ng sinseridad. Kinikilabutan at napapapikit ako nang mariin tuwing naririnig ko iyon sa aking isipan.
Habang nasa byahe tuloy ay halos hindi ako makatingin sa kaniya. Hindi pa rin regular ang t***k ng puso ko kaya't mas lalo lang akong naiilang. Idagdag pa na ramdam ko ang mabibigat niyang tingin paminsan-minsan sa gitna ng pagmamaneho. Natatakot tuloy akong sumilip sa bintana sa harap dahil baka magtama ang mata namin.
I cleared my throat in discomfort. Biglang sumagi sa isip ko ang naiwang sasakyan sa bar kagabi.
"S-sa Revel mo na lang ako ibaba," lunok ko. "Nandun yung kotse ko."
Hindi gumawi sa kaniya ang tingin ko habang siya naman ay hindi rin agad na sumagot.
"I can have someone bring it to your place. Ihahatid na kita pauwi,"
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko na napigilang bumaling sa kanya.
Tuwid lang ang mata niyang nakadirekta sa gitna ng kalsada. Nang hindi pa rin ako nagsalita ay sumulyap siya sakin.
"Unless.. you still have somewhere else to go to..."
Wala naman akong ibang pupuntahan pero hindi agad ako nakasagot. Natikom ko ang bibig ko. Sa katahimikan ko ay hindi rin naman siya agad na nagsalita.
Inabot pa ng ilang sandali bago niya dinagdagan ang sinabi.
"Do you have to?"
Our eyes met in the rearview mirror. Umangat ang kilay niya sakin.
"May pupuntahan ka pa ba, Iris?"
Napalunok ako.
I can always choose to say yes. That way, I can get free from this heart-pounding situation. Pwede kong ayain si Jess na lumabas. O di kaya ay paunlakan ang paanyaya ni Sage kanina. Kahit ano para lang maiwasan ko na ang nag-uumapaw na presensya ni Ace.
Pero may ibang plano ata ang isip ko. Dahil taliwas ang lumabas na sagot sa bibig ko.
"W-wala na.."
Mula sa pagkakatitig sakin sa salamin ay unti-unti nang bumalik ang tingin niya sa daan. A hint of satisfaction registered on his eyes. Tumango siya.
"Mabuti kung ganon."
Hindi na ko nagkaroon pa ng lakas na magsalita buong byahe. I don't know where this ineptness is coming from. Siya naman ay mukhang normal lang. Bumuka lang ulit ang bibig ko nang tanungin niya sakin ang direksyon patungo sa tinutuluyan ko.
Nang ihinto niya ang sasakyan ay bumaling siya sakin.
"Let's Skype later tonight..." aniya. He picked up his phone from the dashboard. "Type in your username,"
Inabot niya sakin iyon. Napatunganga ako sa nakalahad niyang kamay. Ilang saglit ko pang tinitigan iyon bago dahan-dahang kinuha gamit ang nanghihina kong kamay.
Para akong nakalutang habang tinatahak ang daan patungo sa unit ko. I was so out of it even when I was already inside my room. Nang umupo ako sa kama ay napatulala pa nga ko sa sahig.
Matapos ang ilang sandali ay saka ko lang pinilig ang ulo para matauhan. Inayos ko na ang sarili at nagpalit ng mas kumportableng damit.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto para magtungo sa living room habang hawak sa isang kamay ang phone. I checked my inbox since I wasn't able to scan it the whole time I was with Ace for lunch.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV kahit hindi naman ako manonood. I have a couple of texts from some guys but I just opened those from Jess. Ang huling mensahe ko sa kaniya kagabi ay nang sinabi kong nasa VIP room ako at hindi na makakabalik pa sa table namin.
Jesse Louis:
hindot kA
Jesse Louis:
HOY BAKLA NAKAUWI KA NA BA
Jesse Louis:
buhay kA PA???
Jesse Louis:
may nalalaman ka pang u already have ur eyes on someone eh papadilig ka rin naman pala sa iba!
I quickly typed a reply.
Iris Everleigh:
Siya nga yun
Mabilis na pumasok ang sagot niya. Sunod-sunod pa ang mga iyon.
Jesse Louis:
GAGO?????????????
Jesse Louis:
IBA KA TALAGA
Jesse Louis:
oh ano masarap ba? ha?
I bit my lip as I tapped the screen to respond with all honesty.
Iris Everleigh:
Oo sis
Iris Everleigh:
Panalo
Puro mura at pagwawala ang nakuha kong sagot mula sa kaniya. Halos patayin ko na ang phone para lang tumigil ito sa pagtunog. Tumawag din siya kaya't naging okupado ng pakikipag-usap sa kaniya ang isip ko.
Habang lumalalim ang hapon at sumasapit na ang dilim ay nag-iiba na naman ang tulin ng t***k ng puso ko. Sa gabing iyon ay mabilis akong nagtungo sa bathroom para makaligo.
Paulit-ulit kong binalikan ang mga nangyari mula kagabi hanggang sa paghatid niya sakin dito kanina. Nilakasan ko ang shower at pinikit na lang ang mata.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng purple satin set. Lagi namang ganito ang mga sinusuot kong pantulog ngunit tila mas conscious ako sa damit ko ngayon.
Sumalampak ako sa kama at kinalma muna ang sarili. Ang tanging ilaw na lang sa kwarto ay ang nagmumula sa lampshade. Humiga ako at niyakap ang unan. Kinagat ko ang labi. I'm really foolishly anticipating his call. There's no way I can deny that right now. Dammit!
I must be really going insane. This feeling is very new to me. Hindi pa ko kailanman nagkaganito. Ngayon pa lang.
Halos mapaigtad ako nang maramdaman ang vibration ng phone. Mabilis ko iyong dinampot at tinignan. It was a text from an unregistered number.
Unknown Number:
Can I call now?
Something in my nerves jolted. Walang pangalan pero sigurado akong siya ito. Bukod sa malakas ang pakiramdam ko doon ay kinuha niya rin naman kasi talaga ang numero ko kanina.
Sinave ko muna ang number niya bago ko pinadala ang pagsang-ayon ko sa gusto niyang mangyari. Hindi naman nagtagal ay nag-ring na ang telepono at nagflash ang pangalan niya sa screen.
Ace Frederick is calling...
Umupo ako nang maayos sa aking kama atsaka sinagot ang tawag. Halos dumugo ang pang-ibabang labi ko sa mariing pagkakakagat ko roon habang hinihintay na kumonekta ang linya. Sumandal pa ko nang bahagya sa headboard upang kahit papano'y maging normal ang paghinga.
It didn't take long enough before I saw him appear on the screen. My spine tingled at the breath-taking view. He was wearing a plain white roundneck shirt while casually lying on his bed. That same bed where we did it. s**t. I hate my mind.
He adjusted his position on the bed. Nagtitindigan ang balahibo ko kahit sa simpleng galaw niya. He looks so f*****g good in any angle. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdan ang mag-Skype.
Pinilit kong ngumisi.
"You can just call without asking, Ace," wika ko. "I don't see the sense in texting first when you can just directly dial the number..." I blabbered just to say anything and divert my attention.
He licked his lips abstractedly and all I can do is sigh. Putangina ba't naman ganto?! Sobrang gwapo!
"But that's how phone etiquette works, Iris.." he said. His voice was even mildly hoarse, dammit! "You have to ask permission first before calling,"
Umangat ang kilay ko. Here we go again with Mr. Primitive and his virtuous beliefs. In a sense, I find it oddly amusing.
I shrugged. "I can just always decline the call if I don't wanna participate in a particular conversation though," I insisted.
May panghahamon sa tingin ko sa kaniya. "Texting is just a waste of time," I added.
I grinned when he didn't say anything.
His eyes are fixedly watching me. Nakatuon lang sa akin ang tingin niya. "I didn't call for a debate, Iris.."
Napahalakhak ako sa sinabi niya.
"But it's true, right? My point was reasonable!" I persisted while chuckling.
"Okay then.." aniya kahit tila wala sa loob iyon. "You always have your own way of winning every argument anyway," he said in defeat. "Now can we just talk about something else?"
Hindi ko alam kung bakit mas lalo lang akong natawa sa pag-iiba niya ng usapan.
"Nooo," halakhak ko. "I want us to have that discussion." pabirong pagpupumilit ko sa gitna ng bawat tawa.
He sighed.
"Stop it, Iris. Wag nating pag-awayan.." saway niya. "I just want us to talk calmly about anything,"
Ang mga hagalpak ko ay unti-unting tinangay ng hangin. Nabitin pa sa ere ang kurba ng labi ko. Dahan-dahan iyong nabubura habang tinitignan ko siyang pinapasadahan ako ng tingin sa screen. Kinilabutan pa ko nang maramdaman ang saglit na pagdaan ng mata niya sa suot ko.
He then brought back his gaze to my line of vision. Tumagal ang titig niya sakin hanggang kalaunan ay pumungay ang mga mata niya. The sight of it gave me shivers.
"Kumain ka na?" he asked.
Ang kakaibang tono niya ay sapat na para matameme ako. Tuluyan nang nilamon ng katahimikan ang mga panunuya at halakhak ko.
I found out that he went back to his office this afternoon so we talked about it for a bit. Kinumusta ko ang maghapon niya at nalaman kong dumaan din pala siya sa gym. He asked me about my day too but I wasn't able to say a lot since nothing much really happened while I'm home.
"Will you workout tomorrow?" tanong niya.
"I'm not sure yet... Pag tinamad ako ay baka mag-yoga lang ako dito sa bahay,"
Tumango siya nang tipid. Umarko naman ang kilay ko.
"Unless.. you'll offer a different kind of exercise..." makahulugang wika ko habang may nakakalokong ngiti.
Humagikhik ako habang patuloy ang panunuya sa kaniya ngunit bumuntong-hininga lang siya.
"Not until you feel better, Iris.." aniya.
Ang partikular na tonong gamit niya ay ang siya na namang nagpatahimik sa akin. I lost count of how many times I turned speechless today.
I bit my lip as I suddenly thought of something to ask him. Kagabi pa ko binabagabag noon ngunit wala akong lakas ng loob na tanungin siya nang harapan. Hindi ko kaya. Naduduwag ako sa makikita kong ekspresyon sa mukha niya. Natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang reaksyon niya.
"Ace.."
Hindi siya nahirapang hanapin ang tingin ko. He gazed at me with attentiveness. Waiting for what I was about to say.
"Didn't it bother you..." I weakly started.
I can see the growing curiosity in his questioning eyes. Hindi niya kailanman inalis ang tingin niya sakin. Ako na mismo ang umiwas ng tingin. Lumunok ako.
"That.. I wasn't a virgin when you had me?" mahinang wika ko.
My words nearly turned out to be a whisper. I can't look at him. I know it shouldn't matter. For heaven's sake, we're just f**k buddies so this should be the least of our priorities! It shouldn't be a big deal. I've never been bothered about it. I've never gave a damn about it. Not even on anyone's opinion of me for not being a virgin. Never in my entire life. Ngayon lang. Ngayon lang talaga.
Because with Ace... it's different. I value his opinion. I highly regard his thoughts. It's almost scary how much I think highly of his sentiments. Sadyang mahalaga sakin ang nararamdaman niya.
Hirap akong pantayan ang tingin niya ngunit hindi ko na napigilang ibalik sa kaniya ang tingin.
The way he intensely look at me was endearing. Hindi ko talaga kayang tagalan. Pakiramdam ko ay mawawala ako sa mga tingin niya.
"Iris.."
Ang malamyos niyang tinig ay nagpatindig sa aking balahibo. Hindi pa rin ako lumingon.
"Look at me," he demanded softly.
His voice has a power of its own. Dahan-dahan nitong napabalik ang tingin ko sa kaniya. He looks more attractive with his fresh after shower look and with the way he stares at me.
"Virginity is never an issue to me," he openly said. "The way most people view it as a culture is extremely detrimental to the health of sexualities when in fact, it is not even real. Virgnity is conceptual. It is just a social construction."
He looked at me intently. His eyes were filled with sincerity. Nakakalunod. I can quickly get lost in his gaze.
"Don't ever let that matter make you question your value, Iris. Because in reality, no one can take away your worth from you." he breathlessly said. "You're honestly the purest person I've ever known."
Right there and then, I knew it was over.
It doesn't need to be debated.
It doesn't need to be considered.
It doesn't need to be contested.
Because it's never a question of theory.
It's time to completely exterminate its nocuous effects to the society and allow everyone to feel comfortable with their bodies.
I've never felt this kind of contentment before. And this is all because Ace gave me the validation I never thought I needed.