ZEIN LIANA MARTINEZ POV.
- E L E C T I O N
Pag pasok ko sa gate ay marami narin akong nakikitang mga nag kukunpuluan at nag uusap usap tungkol sa election ng rank 4.
"Sino ba ibiboto nyo sa president?"
"Si tyron gusto ko te! from engineering yon ang gawapo pa!"
"Ay nako wala yan sa kaiden namin, alam ko marami ng bumoto sakanya nakita namin sa board!!"
aga aga e pangalan nanaman nya naririnig ko.
Nag lakad naman ako paakyat sa room ng masalubong ko si tyron na tila may hinahanap.
"Uy ty! ginagawa mo?" Saad ko
"Zein! kanina pa kita hinahanap." Halatang hinihingal na wika nya.
"Bakit? may atraso ba ako HahahA!" Biro ko.
"Hindi baliw, nakita kasi kita sa board at di mo naman sinabi sakin na gusto mo pala mag secretary." Ngiting sabi nya.
huh?
"Anong secretary? wala akong balak sum-" Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng hilahin nya ako at nakaharap na kami ngayon sa board na andami ring tumitingin.
Who will be our rank 4 students?
keep voting students until monday!!
FOR PRESIDENT - VOTES.
- Kaiden Alcantara - 567.3
- Tyron Guadamor - 453.9
- Venjamin M. - 399.9
FOR SECRETARY - VOTES.
- Fatima Vera - 667.8
- Zein Martinez - 598.4
- Hannah Valeria - 355.2
- Jenny Absalon. - 213.2
- Joie Vien - 113.1
FOR VICE PRESIDENT - VOTES
- Tyron Guadamor - 663.2
- Jerome Huxley - 568.1
- Pablo Escobar - 444.3
- Louis County - 223.1
FOR PEACE OFFICER - VOTES
- Karl Fiorre - 668.2
- Lian Escor - 574.9
...
Habang tinitignan ko ang nasa board ay napa hawak naman ako kay tyron at tinignan sya.
"Sino naka isip iboto ako?." Litong sabi ko.
"I dont know, nakita ko nalang pangalan mo jan e." Wika ni tyron.
Umalis naman ako agad sa harap ng board at tumakbo papuntang hall paakayat sa room.
Napansin ko naman naka sunod parin si tyron at nilingon sya.
"Wala kang class?" saad ko.
"Meron pero 8:10 pa, hahatid na kita."
Binagalan ko naman ang lakad ko dahil mukang hindi sya sanay mag lakad ng mabilis.
"Tingin mo sino nag boto sakin?." Litong sabi ko kay tyron.
"Diko alam e, pero i think bagay sayo maging secretary zein." Ngiting sabi nya.
"Pero may mag wawala nanaman i think." Saad nyapa.
si fatima.
"Yaan mo zein, i will do my best para manalo ka for being secretary." Saad nya pero nakita ko naman syang lumungkot.
"Malungkot kaba dahil pangalawa kalang sa board?."
"Nahh, may vice president pa naman." Ngiti nyang pilit.
"Yaan mo, iboboto ka namin ng nga kaibigan ko." Pag papa gaan ko ng loob nya.
Nakarating naman kami sa room at napansin na lahat ng kaklase ko ay naroon na pero wala pa si sir velasquez.
"Sige na papasok na ako, goodluck sa class mo." Saad ko at kinawayan nyako.
"Goodluck zein!!" Sigaw nya at bumaba na.
...
Pag upo ko sa tabi nila patricia ay bigla naman dumating si sir na may hawak na papel at tumayo sa gitna.
"Good morning class, i have your score now." Ngiting sabi ni sir.
"I will call the highest score of your quiz and pumunta dito sa harap para kunin ang paper nyo. are we clear?"
"Yes sir." Saad naming lahat.
Inayos naman ni sir ang papel at tumingin samin lahat at ngumiti.
"Ms Martinez, 20 out of 20." Ngiting sabi ni sir at tumingin sakin.
Nagulat naman ako at walang balak tumayo, ramdam ko nmn ang tingin sakin ng lahat at pumalakpak sila.
"Ayaw mo pa mag pakopya bakla ka! antaas pala ng score mo!" Wila ni patricia.
"Mr.Alcantara, you have 19/20"
Tumayo naman si kaiden at tinitigan lang sya dahil papunta sya sa kinaroroonan ko.
"Here, congrats." Bulong nya ng tumayo ako at kunin sakanya ang papel.
Nginitian nmn ako ng mga kaibigan ko na nangaasar kaya di ko sila pinansin.
"Mr Leomor and ms Velgar, both of you have 17/20 ." Pumalakpak naman kami at nakangiti si ayesha na kinuha ang papel.
Natapos na ang bigayan ng papel at nag paalam din agad sa amin dahil may gagawin pa sya at free time kami ngayon.
Nag simula narin ang iba pang class hanggang sa nag lunch na at tumunog ang bell.
Bumaba naman kami nila patricia at pumunta na sa cafeteria para kumain. Pag tapos namin kumain ay umupo muna kami sa bench.
"Sino iboboto nyo for president guys?" Tanong ni julia.
"Ay nako sino paba! edi si papa kaiden!! nako kahit masungit ay iba parin ang gwapo!!" Kilig na saad ni patricia at pinakatitigan ko sila.
"Guys, lets support tyron." Seryosong sabi ko.
Sumang ayon naman sila agad dahil medyo naging close narin naman nila si tyron kahit pa sa sandaling oras lang nila nakilala.
"E zein pano yan kalaban mo si fatima sa votes." Alalang sabi ni ayesha.
"Wala naman akong balak labanan sya for being secretary ayesha, sa totoo nga ay nagulat lang din ako bakit ako andoon." Paliwanag ko sakanila.
"Saglit lang pupunta kami sa board ni ayesha." Madaling sabi ni pat at hinila si ayesha papunta sa board.
Maya may pa ay bumalik sila at halos parang hingal na hingal pa.
"Naurong yung deadline ng voting! hanggang sunday nalang tapos sa monday i aannouce yung nanalo!!"
"E ano nangyari sa votes? naalis na ba si zein?" Saad ni julia.
Sa totoo lang ay ayoko tlaga maging secretary dahil uutos utusan lang ako doon.
"As of now mas mataas parin si fatima." Iritang nyang sabi.
Maya maya pa ay hinawakan ako ni ayesha sa braso ng dumating sa harapan namin sila fatima kasama si eunice.
"Are you sure, you can win over me?" Mataray nyang sabi kaya tumayo ako.
"Para sabihin ko sayo fatima, Im not interested of that position." Seryosong sabi ko.
"Antayin mo ako maging secretary and i will do everything para mapa alis ka sa university na to." Galit nyang sabi at umalis na.
Tinignan ko naman sila patricia na nag aalalang tumingin sakin.
"Wag kayong mag alala, di nya ako mapapa alis dito." Wika ko at inaya na sila umakyat sa taas.
..
NATAPOS na ang klase at pauwi na ako ng mapadaan ako sa pinaka likod ng parking lot dahil galing akong h.e department.
Nakita ko si fatima na may kausap na dalawang professor.
"I need to win for being secretary or else, sasabihan ko si lolo na ipatanggal kayo dito sa school."
"We can't do that ms.vera, we need to be fair."
Nakita kong may inabot na envelope si fatima sa dalawang professor.
"Hindi namin to matatanggap, mawawalan kami ng license kapag ginawa namin yon."
"Hindi nyo ba alam na apo ako ng isa mga shares dito sa school? i have a power to kick you out of this school!!" Galit na salita ni fatima at ng aalis na sya ay nakita ko si kaiden na nakatayo sa likod nya.
"k-kaiden..." Halatang kabado na sabi ni fatima.
"Hindi na kita kilala fatima, sobrang sama mo na."
"At ikaw hindi ba? ansama sama mo na sakin! im your girlfriend!!"
"Ex girlfriend fatima."
"Okay lets see kung sino ang nananalo for being your secretary, at kapag nangyari ang manalo ako ay wala kanang magagawa kung hindi balikan ako kaiden."
Umalis naman si fatima na iritang irita at umalis narin ang mga professor.
Nakita ko pang may tinawagan si kaiden sa cellphone nya at umalis na rin.
Naisipan ko naman pumunta sa office ni dean para ipa tanggal yung boto para sa akin dahil ayoko naman talaga makipag kompitensya kahit kanino.
Kumatok muna ako at pumasok.
Nakita ko si dean na naka upo at sumisimsim ng kape.
"Hello po dean, gusto ko lang sana ipatanggal yung votes na meron ako dahil ayoko po talaga maging bahagi sa rank.4" Magalang kong saad at tinignan ako.
"We can't do what you want ija, kung ano man ang lumabas na resulta ay magiging position iyon hanggang sa mag graduate."
"Pero dean ay-"
"End of discussion, you may leave." Seryosong sabi nito at lumabas narin ako.
Nag pasundo naman ako ako kay manong gido at umuwi na sa bahay. Pag dating ko sa bahay ay nag linis ako ay kumain.
Nag uusap pa sila mama ng matapos akong kumain ay umakyat narin ako sa kwarto.
Habang nag iisip na nakahiga sa kama ay bigla ko naalala ang score ko sa quiz.
kung mas mataas ako, bakit sya mababa? e sya naman nag turo sakin?
Naisipan ko naman i open ang laptop ko at dumapa sa kama. Chinat ko si kaiden ng makitang naka online ito.
"Can i ask?"
Nakita kong sineen nya ito pero hindi agad agad sya nag reply kaya nag scroll muna ako sa social media at binisita ang page ng school namin.
Nakita ko dito ang mga matataas na votes sa ranking at pumapang una parin si kaiden. Sa secretary naman ay si fatima at sa vice president naman ay natuwa ako ng makita na nasa unahan si tyron.
Tinignan ko naman ang huling boto para sa peace officer at dalawa lang ang nag lalaban doon.
Karl at lian ang nag papataasan ng score pero mas mataas parin yung karl.
Tinignan ko naman ang mga comments at may isa doong komento na nag kuha ng atensyon ko.
"Omg nangunguna na si daddy karl!! Sa pag kaka alam ko puro pulis ang pamilya nya at ngayon ay nag aaral sya biglang criminology! bagay na bagay sakanya ang peace officer!!"
Pinakatitigan ko naman ang muka ng karl na yon at parang familiar ang muka sya sakin.
parang nakita ko na sya noon sa isang..
Hindi ko maala, pero habang pinag mamasdan ko ay lumakas ang kabog ng dibdib ko at iniisip kung saan ko ba sya nakita ng biglang nag message si kaiden.
"Anong kapalit?"
"Anong kapalit? im just asking if can i ask you something."
"You already asking me zein."
"Fvck off."
"So ano yun?"
"Bakit mas mataas ako sayo sa quiz? nangopya lang maman ako sayo diba?."
"I dont know, just be thankful."
"okay, thanks again : > "
Di ko na sya inantay mag reply at sinara ko na ang laptop ko.
Tumulala lang ako saglit at ipinokus ang mga mata ko sa mga paro-paro na nasa kisame ng kwarto ko.
Pag titig ko ay bigla itong nag sigalaw at lumipad ng dahan dahan kung saan.
Tinignan ko lang sila habang naka higa hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.
-
KAIDEN ALCANTARA POV.
- W o r r i e d
Tinititigan ko ang tanong ni zein mula sa mensahe kung bakit mas mataas ang marka nya kaysa sa akin.
Sa totoo lang ay minali ko talaga ang isang sagot ko para hindi kami mapag halataan ni sir na lahat ipinakopya ko.
Wala rin namang saysay kung sasabihin ko sakanya dahil mas pinag aalala ko kapag nanalo si fatima sa eleksyon.
"at kapag nangyari ang manalo ako ay wala kanang magagawa kung hindi balikan ako kaiden."
Hindi naman ako pumayag sa gusto nya pero kilala ko si fatima, lahat ng gusto nya ay pinipilit nyang makuha.
Pero kahit na ano pang sabihin nya ay hinding hindi nya na ako makukuha pa dahil wala na akong nararamdaman sa kanya.
Mas nag aalala ako kay zein dahil hindi ko alam kung anong gagawin ni fatima sakanya mapaalis lang ng eskuwelahan pero base naman sa family background ni zein na tinignan ko nung nakaraan ay hindi naman basta basta siguro papayag ang ama nito na si mr.martinez na mapaalis ang anak nya sa eskuwelahan.
Ang magandang alalahin ko nalang ngayon ay ang maka pasok ako bilang presidente para ma protektahan ko sya.
Ano mo ba sya kaiden? bakit kailngan mo sya protektahan?
Sapo sapo ko ang ulo ko ng maisip yon dahil wala naman kami ni zein at siguradong hindi ko naman sya gusto, tama hindi ko sya gusto at hindi nya ako gusto.
"Oo hindi ko sya gusto!" Sigaw ko sa gaming room.
"Ginagawa mo pre?"
Napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni sean na umupo sa gaming chair nya.
"Nexttime, learn to knock bago ka pumasok lol." Sungit na sabi ko sakanya at natawa sya.
"Kung di pa ako papasok baka kanina kapa nabaliw jan kaka salita sa sarili mo HAHAH!!"
Binato ko naman sya ng maliit na unan na patungan ng headset at tumawa lang sya.
"Pupunta pala dito sila jerome, at pinaalam ko narin kila tito marcos."
"Gigimik nanaman kayo?"
"Anong kami? tayo! sasama ka kaiden."
"Kayo nalang lol, la ako sa mood."
"Hindi pwede, baka mabaliw kana kaka salita mag isa HAHAHAH!!!"
Di ko naman sya pinansin at nag laro nalang ng dota.